^

PSN Showbiz

Direk Paul at Toni susundan si Seve next year

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Direk Paul at Toni susundan si Seve next year
Seve and Derek Paul

Co-producer si Paul Soriano ng pelikulang Sunod na pinagbibidahan ni Carmina Villarroel. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019 ngayong kapaskuhan.

Ayon kay direk Paul ay si Carmina ang kanilang napiling gumanap para sa naturang horror film dahil talagang nababagay ito sa aktres. “Si Carmina kasi nanay siya and we were looking for somebody that can really relate to the character. It’s a mother-daughter film. Of course as we all know she has her twins and she can relate to the role. When we got her on board at nag-yes siya sa amin, she gave actually a hundred and ten percent. She was really dedicated to the role and very, very professional si Ms. Carmina. Actually, I’m hoping to work with her again,” pagbabahagi ni direk Paul.

Nag-iisang horror film ang bagong pelikula ni Carmina ngayong MMFF kaya posibleng malaki ang kitain nito sa takilya. “Well sa Siargao we did number 3, sa Mary, Marry Me number 4 kami. So sana gano’n din. We can be at least maybe in the top 4. To be very honest happy na ako do’n,” pagtatapat ng direktor.

Samantala, malapit na raw mangyari ang plano ni direk Paul at asawang si Toni Gonzaga na masundan na ang panganay nilang anak na si Seve. “We always tell this and we were very honest about this, when Seve turns four gusto na namin siyang sundan. Mas gusto naming ‘yung four-year age gap. Si Seve is turning four in September (2020) so maybe late next year. Maybe next Christmas may isang gift,” pagbabahagi niya.

Mayward, maghihiwalay sa pasko

Mayward

Magkahiwalay na magdiriwang ng Pasko sina Maymay Entrata at Edward Barber. Kanya-kanyang pamilya ang makakasama ng tambalang MayWard ngayong kapaskuhan. “Papunta ako sa La Union. I’m going to spend Christmas with all my family there. So hiwalay kami this Christmas. Tapos sa New Year pupunta ako sa England. I’m going to be with my lolo. So it’s all about my family,” paglalahad ni Edward.

Pupunta naman si Maymay sa Japan kung saan matagal nang naninirahan ang ina kasama ang mga kapatid ng aktres. “Ang plano ko po kasi ‘yung last kasi na nag-Christmas kami ng mama ko ay no’ng elementary pa (ako). Kaya ang plano ko ay talagang dapat siya ang kasama ko sa Christmas, kasama ang kuya ko at si Rio. Punta ako ng Japan, okay lang po kasi dapat ang Christmas for family po talaga ‘yan hindi ba?” pagbabahagi ni Maymay.  (Reports from JCC)

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

PAUL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with