^

PSN Showbiz

Juday parang aatakihin na sa mga papuri

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juday parang aatakihin na sa mga papuri
Aga

Magkasunod na napanood namin nung nakaraang Lunes ang pang-Metro Manila Film Festival na Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films at ang Mindanao ni

direk Brillante Mendoza.

Sa may balak manood ng Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, kailangang may panyo kayo o maraming tissue dahil tiyak na bibigay kayo sa mga

madamdaming tagpo nina Aga at ng batang si Xia Vigor.

Kahit nga si Bela Padilla na hindi naman kahabaan ang role ay may moment ding magpapaluha.

Hindi pa nga namin napanood ang iba pang pelikula, pero mukhang mahirapang talunin si Aga rito.

Malaki rin ang naitulong ng suporta ng mga kasamahan niyang sina Xia, John Arcilla, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo at Soliman Cruz.

Pero si John ang pinakamagaling sa lahat. Puwede rin siya sa Best Supporting Actor, pero hindi lang natin alam dahil magagaling din ang support ng

ibang character actors.

Sabi naman ni Aga, magpa-party raw siya kapag makuha niya ang Best Actor trophy.

Kaya dapat sigurong paghandaan na niya ang pa-party niya sa media dahil sobrang deserved niya ang naturang parangal.

Ganundin ang obserbasyon ng lahat kay Judy Ann Santos na bida sa Mindanao.

Parang ang hirap talunin dito si Judy Ann na kahit si Iza Calzado ng Culion ay suko na.

Sabi nga ni Judy Ann, lalo raw siyang kinabahan nang nakita niya ang reaction ng mga kapwa artista na dumalo sa celebrity premiere nito na ginanap sa

Podium nung nakaraang Lunes ng gabi.

“Mas kinabahan ako tonight kasi ang daming mga batikang artistang nanood. Mga sa teatro, mga director. Ang dami naming support na nakuha tonight

from the different parts of the industry, from theater to film, lahat.

“Nakaka-overwhelm, nakakataba ng puso. Sapat na sa akin to. Parang konti na lang ma-heart attack na ako,” sagot sa akin ni Judy Ann nang tinanong

ko kung mas kabado ba siya rito sa MMFF kesa sa mga international filmfests na sinalihan ng naturang pelikula.

Isa si Sharon Cuneta sa dumalo sa celebrity premiere at tawang-tawa si Judy Ann pagkatapos ng screening na tambak ang mga tissue sa may upuan ng

megastar dahil iyak lang ito nang iyak habang pinapanood ang pelikula. “Nakita ko naman na halos isang kilong tissue ni Ate Sharon, okay na. Wala na

akong hahanapin pa,” natatawang pakli ni Judy Ann.

Pero hangad pa rin ng Kapamilya actress na sana ma-appreciate rito sa atin dahil magaganda naman ang feedback nito sa mga nasalihang international

filmfests. It’s not just for the Mindanao team eh, it’s for the Philippines.

“Sana ma-appreciate. Kung hindi man masaya pa rin ako dahil nakangiti ang puso ko, araw-araw gabi-gabi na alam ko nakagawa ako ng isang

pelikulang napakamakabuluhan at sapat na ako dun,” dagdag niyang pahayag.

Pagpasok ni direk Brillante, nilapitan siya ni Sharon na parang may ibinulong. Ang narinig na lang namin na sinabi niya kay direk Brillante na willing daw

siyang mag-audition at okay lang daw na mag-bagsak presyo siya. “Nag-a-apply na ako kay direk. Willing ako magpa-audition,” bulalas ni Sharon sa

amin.

Sharon willing magbagsak-presyo ng tf,mag-audition para sa indie movie!

Sinisisi ang pulitika Sey ni Sharon,  Pres. Duterte parang tatay na ayaw kay Kiko

Doon na rin sa celebrity premiere ng Min­danao ay pinag-usapan namin ni Sharon ang huling patutsada ni Pres. Rodrigo Duterte sa asawa niyang si Sen.

Kiko Pangilinan.

Binanggit kasi ng pangulo sa isang speech nito na gusto na raw ni Sharon palayasin si Sen. Kiko, ayaw lang daw umalis.

Hindi raw sila naapektuhang mag-asawa sa sinabing iyun ni Pres. Duterte.

“Alam mo naman tatay ko yun. Sabi ko naman, parang tatay na hindi nag-a-approve sa boyfriend mo, parang ganun. Kasi noon nga may sinasabi pa siya

sa Bukidnon na ‘yung asawa ko raw, bubuntalin ko yan kung hindi lang dahil kay Sharon,” saad ng Megastar.

“Parang ano lang yan. Parang tatay na ayaw ang boyfriend mo. That’s the way lang I take it.

“Pero tingnan mo, wala nang sumunod ‘di ba? After nito…kasi parang nalaman niya na ah okay na pala tong anak ko.

“I don’t think naman na ang babaw na sasabihin niya yun kung feeling niya...kung mas may mahalaga pang kailangang sabihin siguro dala ng inis niya

kay Kiko, tapos ako yung naiisip niya na parang daughter nga niya ako,” dagdag niyang pahayag.

Okay na okay daw sila ni Sen. Kiko at wala naman daw pinanggalingan ang sinabing iyun ni Pres. Duterte.

Maaring sa sobrang inis lang daw ng pangulo sa asawa niya dahil nga sa magkalabang partido sila. Iyun lang daw ang ikinalulungkot niya, nababago raw

ang buhay dahil lang sa pulitika.

“Ang wish ko lang someday magkakilala sila ni Kiko. Kaya nga feeling ko parang sagabal sa ganda ng buhay ang pulitika talaga eh. Naiinis ako sa pulitika

talaga. Kung wala yun, magkakasundo sila,” himutok ni Sharon.

Sharon

 

vuukle comment

AGA

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with