^

PSN Showbiz

Jomari nagsalita tungkol sa pinatulan na mas matanda at madatung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Jomari nagsalita tungkol sa pinatulan na mas matanda at madatung!
Jomari

Nag-text sa amin si Manay Lolit Solis, magi­ging guest daw namin sa Take It... Per Minute, Me Ganu’n ang kontrobersiyal na si Jomari Yllana, panalo ‘yun!

Nagbigay na ng kanyang mga pahayag si Jom tungkol sa mga ipino-post ng kanyang dating karelasyong si Joy Reyes. Sa marespetong paraan ay ipinagtanggol niya ang kanyang sarili sa mga akusasyon ng babae.

Regular pa rin pala ang pagbibigay niya ng sustento sa kanilang dalawang anak, akinse at katapusan ang pagpapadala niya, bukod pa sa siya rin ang sumasagot sa iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Nu’ng Nobyembre pa pala sila naghiwalay, maayos ang kanilang usapan, kaya laking-gulat ng aktor nang magsumbong sa social media si Joy Reyes ng mga diumano’y pagkukulang niya.

Selos ang unang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo. Masyadong selosa si Joy ayon kay Jom. Okey lang daw sana kung mga property lang ang sinisira nito kapag ina­a­puntahan ng selos.

Ibinangga nu’n ni Joy ang sasakyang in-issue sa kanya

Aktres na totoong nakahiga sa salapi kinaiinggitan ng kapwa aktres na forever kabit!

Napakapabolosa pala ng pribadong buhay ng isang magandang female personality. Nasa kanya na ang lahat. Napakaganda niya, sikat siyang artista, wala na siyang hahanapin pa.

Pero ‘yun lang ang alam ng publiko tungkol sa kanya, tahimik lang kasi ang female personality, wala siyang kayabang-yabang.

Kuwento ng isang source, “Napaka-secure kasi niya, hindi na niya kailangang ipagbanduhan pa ang kung anumang meron siya. Hindi siya katulad ng ibang personalities na magkaroon lang ng ganito at ganu’n, e, naka-headline na agad!

“Ang girl na ito, e, simple lang. Wala siyang kasali-salita, pero kapag nalaman ng publiko ang personal life niya, e, baka mapraning ang mga naiinggit sa kanya!” umpisang kuwento ng aming impormante.

May isang female personality na sobra ang inggit sa kanya. Hindi alam ng mga miron kung bakit ganu’n na lang ang galit sa kanya ng aktres dahil wala naman siyang ginagawang masama.

Patuloy ng aming source, “Walang nakikitang positive sa kanya ang babaeng ‘yun! Kung anu-anong kuwento ang ipinakakalat nu’n tungkol sa kanya, samantalang nananahimik lang naman siya!

“E, educated itong female personality, hindi na lang niya pinapansin ang girl, magkalat na siya nang magkalat ng kung anu-anong kuwento, wala siyang keber!

“Ang mahalaga, e, maayos ang personal life niya, pinakasalan siya ng yayamanin niyang boyfriend, mahal na mahal siya at maligaya ang pamilya nila! ‘Yung naiinggit sa kanya, pinakasalan ba? Di ba, forever na lang siyang escabeche?

“Naku, kapag nalaman pa ng babaeng ‘yun ang kung anumang meron si female personality, e, baka magpatiwakal na siya sa sobrang inggit! Nasa pangalan niya lahat ‘yun, ha?

“Tatlo na pala ang mansion sa bandang South ng girl! Meron pa silang bagong biling mansiyon din sa ibang bansa! At ang mga jewelry ng female personality, e, sobrang laki ng mga bato!

“Pero wala tayong naririnig na pagyayabang mula sa girl, ha? Hindi siya nagpo-post ng mga properties nilang mag-asawa. Secure na secure kasi siya, sigurado na ang future nilang mag-iina!

“At sa kanya ‘yun, hindi sa salita lang kundi sa mga dokumento! Puwede na nga siyang hindi mag-artista, kaso, passion niya talaga ang pag-arte.

“Dawn siya maligaya, este, du’n siya masaya, kaya pinagbibigyan na lang siya ng milyonaryo niyang asawa!” kuwento pa rin ng aming source.

Ubos!

ng munisipyo ng Parañaque bilang konsehal. Ang mismong gate ng bahay ng babaeng pinagseselosan nito ang binangga ni Joy kaya nawasak ang sasakyan.

Property lang ‘yun, sabi ni Jom, mapapalitan pa at maiaayos. Pero paano kung mismong buhay na ng tao ang malagay sa alanganin?

Tahasan ding idinenay ng aktor ang akusasyon ni Joy na may mga nakakarelasyon siyang mas may edad kesa sa kanya pero mapera. Itinawa lang ‘yun ni Jom, ayaw na raw niyang magpakalalim pa sa isyu, dahil nahihiya siya sa kanyang pamilya at sa pamilya na rin ni Joy.

Tanggap din niya kung sakaling na kay Joy Reyes ang simpatya ng publiko, hindi raw siya naghahanap ng mga kakampi, pang-una­wa lang sa kanyang panig ang gusto niyang pakinggan at unawain ng publiko.

vuukle comment

JOMARI

JOY REYES

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with