^

PSN Showbiz

Mark ayaw tantanan kay Carlos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Mark ayaw tantanan kay Carlos
Mark

Nasa episentro ng tsismis ngayon ang maga­ling na singer na si Mark Bautista. Isang Pilipino siyang masayang-masaya at proud na proud sa ipinakikitang gilas ng ating mga atleta sa ginaganap pang SEA Games.

Carlos

?Nagtawid siya ng pagbati kay Carlos Edriel Yulo, ang atletang Pilipino na nagbibigay ng karangalan sa ating bayan sa linya ng gymnastics, nag-PM siya sa pambato nating manlalaro.

?Sa sobrang saya naman ni Carlos ay inilabas nito sa kanyang Twitter account ang pagbati ni Mark na dapat ay pribado lang.

Natural, kumawag na ang maraming dila, nagmalisya na ang maraming utak, dahil ilang buwan pa lang ang nakararaan ay patagilid nang umamin ang singer tungkol sa kanyang kuwestiyonableng gender.

?Nakakalungkot lang dahil nalagay pa sa alanganin ngayon ang napakasimpleng pagbati lang na ipinadala ni Mark kay Carlos Yulo. Nilagyan ‘yun ng malisya at kulay ng marami.

?Bakit daw kasi nag-direct message pa siya kay Carlos, sa dinami-dami raw ng mga atletang Pinoy na nakakakuhang gold sa SEA Games ay bakit si Carlos lang ang kanyang binati, bakit hindi rin daw niya pinadalhan ng private message si Hidilyn Diaz at ang iba pang mga babaeng athletes na nagtatagumpay rin?

At bakit din naman daw kasi inilabas pa nang lantaran ni Carlos Yulo ang private message sa kanya ni Mark Bautista? Hindi raw naman flirting ‘yun, sabi pa ng gold medallist, kundi suporta at pagbati lang.

Hay, naku! Ang isang isyu talagang may pinag-uugatan ay nagkakaroon ng mga sanga at bulaklak. Sa totoo lang!

Female personality consistent sa pagiging epal

Maraming Pinoy na nagtatrabaho sa isang kilalang restaurant sa isang malamig na bansa kung saan nagtatrabaho rin ang isang female personality.

Umuuwi lang siya dito kapag nakakakuha siya ng bakasyon, kapag bumabalik siya sa Pilipinas ay kailangang masulit ang kanyang bakasyon, lumalabas siya sa telebisyon.

Sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho ay marami siyang nakakaaway. Hindi niya kasundo ang mga Pinoy na mas matagal nang nagtatrabaho du’n, mahilig kasi siyang umepal sa management, marami siyang nasasagasaan.

Kuwento ng isang balikbayan naming impormante, “Masyadong pabibo ang babaeng ‘yun! Kabagu-bago pa lang niya sa establishment, pero gusto na agad niyang ma-promote!

“Binubutasan niya ang trabaho ng mga Pinoy na matagal nang nagwo-work du’n, palasumbong siya sa management, marami siyang tinatapakan. Inggitera kasi siya,” unang kuwento ng aming source.

Hindi rin kagandahan ang kanyang imahe sa nasabing restaurant, siya kasi ang nagpapasimuno sa mga issue, pinag-aaway-away niya ang mga Pinoy na katrabaho niya.

Patuloy ng aming source, “May mga tao talagang walang kasiyahan. Kapag nalalaman niya kasing napo-promote ang mga kababayan natin, e, gumagawa siya ng mga kuwentong puro imbento lang naman!

“Kapag pinaghaharap-harap na sila ng mga boss, e, siya ang napuputukan, siya ang nabubu­king na nag-iimbento ng mga kuwento, wala nang naniniwala ngayon sa mga pinagsasasabi niya,” maintrigang kuwento uli ng balikbayan.

Heto na. Nakarating na sa mga kababayan nating katrabaho niya ang kuwento tungkol sa pagiging matingger-Z ng female personality. Natural, para siya praningin, pinagkukuwentuhan ‘yun nang lantaran ng mga kapwa niya Pinoy.

Kuwento uli ng aming source, “Wala silang sinasabing pangalan, ginagawa nilang blind item ang personality na sinasabi nilang malikot ang kamay.

“Kailangan daw nilang mag-ingat dahil baka mabiktima rin sila ng personality na ‘yun, kaya aning-aning ang ending ng female personality!

“Mula nu’n, e, nag-behave na siya, may puwede na kasing pang-okray sa kanya ang mga Pinoy sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya!

“Alam niya sa sarili niya na may mga kamay siyang gumagapang, matagal nang napatunayan ‘yun ng mga kapwa niya artista, nanggegetlak talaga siya ng mga stuff ng mga katrabaho niya!

“Napakaigsi ng name niya, sobrang igsi, napakadaling tandaan at sabihin. Letter lang ‘yun sa alphabet, sa totoo  lang!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with