^

PSN Showbiz

Maraming magluluksa at mawawalan ng trabaho Renewal of franchise ng ABS-CBN, kailangan ng milagro

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Maraming magluluksa at mawawalan ng trabaho Renewal of franchise ng ABS-CBN, kailangan ng milagro
Pre.s. Duterte

Sa isang panahon na ang akala ng mas nakararami ay mukhang lumalambot na ang kalooban ni Pangulong Ro­drigo Duterte sa usapin ng pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN ay hindi pa rin pala.

Nu’ng isang araw lang, sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong itinalagang opisyal ng gobyerno, ay naging bahagi ‘yun ng speech ni PRRD.

Ang eksaktong sinabi ng pangulo, “Ang inyong franchise, mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out!

“I will see to it that you’re out!” mismong pahayag ni PRRD.

Dahil du’n ay matindi ang pagkaalarma ng mga kontratadong artista ng network. Paano na nga naman sila? Kung hindi nga maire-renew ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa sa Marso ng susunod na taon na napakalapit na ay saan na sila pupunta?

Hindi nagbibiro ang pangulo nang magbitiw siya ng pahayag na titiyakin niyang hindi mare-renew ang prangkisa ng istasyon. Seryoso ang kanyang pagkakasabi.

Kinakabahan na ang mga empleyado at personalidad na nasasakupan ng network. Hindi nila hawak ang bukas, walang katiyakan ang kanilang kinabukasan, kapag hindi nagbago ang posisyon ng pangulo tungkol sa renewal.

Harinawang may makapagpabago pa sa desisyon ni Pangulong Duterte hanggang sa mga susunod na buwan dahil libu-libo ang mawawalan ng trabaho kapag nagsarado ang ABS-CBN.

At tanggapin natin ang katotohanan na kapag nawala sa himpapawid ang network ay magbabago na ang takbo ng mundo ng telebisyon.

Maraming hahanapin ang ating mga kababayan. Maraming tagahanga ng mga kontratadong artista ng ABS-CBN ang magluluksa.

Sana’y may maganap pang milagro bago dumating ang Marso. Harinawa.

Young actress na mala-manika ang hitsura, lumabas na ang kamalditahan

Matagal nang pinagpipistahan ang kamalditahan ng isang young actress. Nang makatikim daw kasi ng mga tutok ng camera at ilaw ang batang aktres ay bigla nang nagbago ang kanyang ugali.

Pinatunayan ‘yun ng isang dati niyang PA, diretso siyang tinawag na maldita nito, bukod pa sa sinungaling. Hindi na kinaya ng PA ang kanyang ugali, pati ang pagpapasarap sa buhay ng kanyang ina at kapatid, heto ang kuwento.

Pagiging PA ang trabahong pinasok ng nagkukuwento, “Akala ko naman po, e, PA nga ang magiging work ko sa kanya, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, ako na pala ang magiging kasambahay nila.

“Halos twenty four hours po akong nagtatrabaho sa bahay nila, ako ang naglilinis ng bahay, ako ang naglalaba, akin ang lahat ng trabaho. Hindi na kumikilos ang mommy niya, pati ang kapatid niyang lalaki na may pagkabatugan.

“Magdadala siya ng mga kaibigan sa bahay, mag-iinuman sila, pero pagkatapos nu’n, ako ang maglilinis, ang maghuhugas ng mga pinagkainan at pinag-inuman nila!

“Talagang kasambahay po ang turing nila sa akin, ako na lang mag-isa ang kumikilos sa bahay, hindi na PA ang turing nila sa akin,” unang sultada ng kuwento ng dating PA ng young actress.

Dahil sa kanyang pagda-diet ay hindi siyempre palakain ang young actress. Pero iba ang kalam ng kanyang bituka kesa sa kanyang PA na gumagawa ng lahat-lahat para sa kanya sa location.

Kuwento naman ng isang source na nakatrabaho ng maganda pa namang young actress, “Alangan namang dahil on diet siya, e, hindi na rin kakain ang PA niya, di ba?

“Natural, magkaiba ang gutom nila, kaya ‘yung food na para sa girl, e, inaako na lang ng PA niya! Aba, isinusumbat niya ‘yun sa PA niya, sinasamantala raw ang pagiging artista niya!

“Ginagamit daw ng PA ang name niya sa production, nagpapabili raw ng chicken, samantalang hindi naman siya kumakain nu’n!

“Ayan, lumabas na ang totoo sa ugali niya, masasabi pa ba niya ngayon na mga galit lang at naiinggit sa kanya ang mga nagkakalat ng kuwento ng kamalditahan niya?” punto naman ng nasabing impormante.

Madaling hulaan kung sino ang young actress na inirereklamo ng dati niyang PA. Bigay na bigay kung paano siya matutukoy.

Sabi ng source, “Tawagin na lang natin siyang Manika. In English, doll. Naging girlfriend siya ng isang bagets actor nu’n, pero siniraan niya.

“Ex din niya ang isang magaling umarteng male personality na may pi­nagdadaanan. Manika ang tawag sa kanya ng PA niya,” pagtatapos ng source.

Ubos!

vuukle comment

ABS-CBN

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with