^

PSN Showbiz

'Sila na ba?': Mayor Vico, Gretchen Ho sabay nanuod ng SEA Games; netizens kinilig

James Relativo - Philstar.com
'Sila na ba?': Mayor Vico, Gretchen Ho sabay nanuod ng SEA Games; netizens kinilig
Parehong walang karelasyon at kasintahan ang dalawa sa ngayon. Tanong tuloy ng netizens: May "thing" na kaya sila?
Mula sa UAAP - NCAA Memes Twitter account

MANILA, Philippines — Nag-umapaw sa kilig at selos ang mundo ng internet magmula pa kagabi sa paglitaw ng mga litrato nina Pasig City Mayor (at eligible bachelor) Vico Sotto at ABS-CBN reporter na si Gretchen Ho sa social media.

Sa isang viral post ngayon ng Twitter account na UAAP-NCAA Memes, makikitang magkatabi't nagngingitian pa ang dalawa habang nanunuod volleyball para sa 2019 Southeast Asian Games.

Parehong walang karelasyon at kasintahan ang dalawa sa ngayon. Tanong tuloy ng netizens: May "thing" na kaya sila?

"Both single and available, she's 29, he's 30, both ADMU graduates... they look good together!" sabi ng Twitter user na si Tess Martinez.

"The only hindrance would be their faith-She's Catholic, he's Christian. Well, love moves in mysterious ways... hope they fall in love with each other. Go Vichen!!!"

Bagama't kinikilig, pinagpre-preno naman ni June Arlene Calda-Sesno ang publiko, at sinabing baka magkaibigan lang naman ang dalawa.

"They look cute together(ni malice??) but a little bit akward hehehe. I think they’re just friends w/ common interest?" kanyang palagay.

May iba naman na hindi gaano natuwa, at nagselos dahil sa pagiging malapit ni Gretchen kay mayor.

Gaya na lang ni @daniyeahcarr, na nagpaskil ng meme para ilahad ang kanyang pagkainggit sa reporter.

Aniya, "cute" ang dalawa ngunit umiiyak na raw siya sa loob-loob niya.

Ang Facebook user naman na si Maki Bajit, tila may hinanakit na kay Gretchen.

Easy lang, Maki.

Bagama't trending na ang kanilang litrato, wala pa namang komento ang dalawa sa kanilang social media accounts kung totoong may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Maliban kay Ho, dati na ring "shinip" ng netizens ang binatang alkalde kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, na nalalapit lang din ang edad sa kanya.

Kumalat pa nga ang ilang litrato noon kung saan tila nag-"meet the parents" na sina Elago, bossing Vic Sotto at Coney Reyes, na pawang mga aktor at aktres.

Vico may oras na sa love?

Nitong Mayo lang, matatandaang sinabi ng 30-anyos na pulitiko na wala pa siyang oras sa pakikipagrelasyon.

"Wala talagang time. 'Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog o magpahinga na lang," sabi niya sa panayam ng "24 Oras."

"For now and for the foreseeable future. Tingnan na lang natin. Diyos na bahala na kung papano mangyayari."

Bagama't nais daw muna niyang pag-focus sa trabaho para sa mga Pasigeño, aminado naman siyang gusto rin niyang magkajowa sa hinaharap.

Sinyales na kaya ang paglabas niya with Gretchen na pinagbubuksan na niya ang kanyang puso?

Si Vico, na pumutol sa 27-taong pagkakahawak ng pamilya Eusebio sa pamumuno ng Pasig, ay kinahuhumalingan ngayon ng marami dahil sa kanyang "prinsipyadong" pamumuno.

Nitong Hulyo lamang nang kastiguhin niya ang kumpanyang Zagu dahil sa karahasang inilapat sa mga nagwewelgang manggagawa na na tumututol sa kontraktwalisasyon.

Pinanigan din ni Sotto noong Nobyembre ang mga ipinakulong na striking workers ng Regent matapos ilaban ang kanilang regularisasyon at maayos na pasahod.

vuukle comment

GRETCHEN HO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with