Movie ni Vice at Anne, nire-retouch pa
MANILA, Philippines — May mga inaayos pa palang eksena sa Metro Manila Film Festival entry nina Vice Ganda and Anne Curtis na The Mall, The Merrier.
Yes may mga nire-retouch pa raw sa movie na mag-uumpisang mapanood sa December 25.
Ang iba namang entries ay handa nang mag-showing sa Christmas Day. At kasama sa may rating na ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Mindanao starring Judy Ann Santos (Graded A), Write About Love (Graded B) starring Roco Nacino and Miles Ocampo and Miracle Cell No. 7 starring Aga Muhlach, Xia Vigor, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Bela Padilla, and Tirso Cruz III (Graded A).
Inaabangan na ang grade ng lima pang pelikulang Culion, Sunod, 3Pol Trobol and Mission Unstapabol: The Don Identity at ‘yun ngang kila Vice.
Anyway, showing na tomorrow, Wednesday, ang pelikulang Love is Love starring Roxanne Barcelo, JC de Vera, Raymond Bagatsing and Jay Manalo, directed by GB San Pedro.
Katuwa ang pelikula at ang husay ni Raymond dito bilang transwoman na naudlot ang kasal sa kanyang partner.
Para ngang makakalimutan mong gumanap siyang si Manuel L. Quezon sa pelikulang Quezon’s Game na recently lang din napalabas.
Bagay naman kay Roxanne ang role na na-in love sa kanyang bestfriend na may major twist sa may bandang huli ng kuwento ng movie.
Tulad ng The Heiress and Unbreakable na nauna nang ipalabas, isinubmit ang script ng Love is Love sa MMFF.
- Latest