^

PSN Showbiz

ABS-CBN wala pang plano kay Julia at John Lloyd!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN wala pang plano kay Julia at John Lloyd!
Julia

“I’m very optimistic it will be renewed,” sagot ng isang executive ng ABS-CBN tungkol sa pinag-uusapang franchise ng network na mag-e-expire na sa March.

Marami na kasing kinakabahan na baka nga hindi ito maayos.

Mabilis ang araw at baka paggising nila, wala na silang trabaho.

Pero ayon sa source, pakiramdam daw nila ay maaayos ito ng isa sa mga malalapit kay Presidente Digong.

Itinanggi rin ng Kapamilya executive na nag-aalisan na ang ibang executive nila.

Totoo raw na may three executives na mawawala sa position pero dahil mandatory retirement na automatic daw once na ma-reach mo ang 60 years old. Hindi ito mga magre-resign.

Itinanggi rin ng source na may mga dini-demand ang presidente bago sila bigyan ng franchise.

Nauna nang lumabas ang kuwento na panahon pa ni former president Noynoy Aquino nang diumano’y makarating sa mga official ng Kapamilya  Network na sinabi raw ng dating presidente na tanggalin muna nila ang mga bumibira sa kanya at sa cabinet members niya na sina Kabayang Noli de Castro and Ted Failon.

‘Yun nga diumano ang rason kaya na-delay nang na-delay ng renewal ng franchise ng Kapamilya Network hanggang umabot na ngayon.

May binabanggit na silang name na nag-aayos na malapit sa pangulo pero bawal pang banggitin.

So wala naman palang dapat ika-worry ang fans.

Vhong & JLC

By the way, wala pang naka-line up na programa si John Lloyd Cruz kahit na nga lagi na itong nakikita sa mga showbiz event. (Isa nga pala ang actor sa mga guest sa wedding ni Vhong Navarro sa Kyoto, Japan kahapon. Nagsimula ang friendship nina Vhong at John Lloyd sa Kanto Boys.)

Kahit daw si Julia Montes ay wala pa ring plano ang Kapamilya Network.

Confirmed din na one season lang ang Starla ni Judy Ann Santos.

Ang A Soldier’s Heart diumano ni Gerald Anderson ang papalit sa Starla.

Besides ayon sa isa pang source, gagawin ni Juday ang bioflick ni Mother Lily Monteverde kaya hindi na ito puwedeng ma-extend.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with