^

PSN Showbiz

Aktor inabandona ang mga anak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktor inabandona ang mga anak!
Sen. Bong.

Negang-nega ang dating ngayon ng isang kilalang male persona­lity dahil sa diumano’y kawalan niya ng responsibilidad bilang ama. Mismong mga taong nakakaalam ng takbo ng kanyang pakikipagrelasyon ang naglalabas ng mga kuwento tungkol sa aktor.

Nakilala ang male personality na ito nu’ng bagets pa lang siya, gumanda naman ang takbo ng kanyang career, hanggang sa naging dramatic actor siya.

Kuwento ng aming source, “Nagsasalita na ang girl na inanakan niya, hindi na kinaya ng girl ang matagal na niyang tinitim­ping emotion.

“Matagal na raw kasi siyang nagtitiis, maraming kuwentong nakararating sa kanya tungkol sa pambababae ng male personality, pero hindi lang siya nagsasalita.

“Hindi man lang daw binibigyan ng sustento ng aktor ‘yung mga anak nila, kaliwa’t kanan daw ang pambababae niya! Pero may isang sinabi ang girl na siguradong maglalagay sa alanganin sa lalaking personalidad.

“Ang sabi ng girl, e, mas matanda raw kesa sa kanya ang kinakarelasyon ng ama ng mga anak niya, pero ang common denominator, e, puro mapera ang mga babaeng ‘yun!

“Naku, matindi ‘yun! Ibig sabihin pala, e, pumapatol ang male personality sa mga matrona, ‘di ba?

“Matagal nang ikinakabit sa male personality ang ganu’ng kuwento, meron daw siyang karelasyong yayamaning girl na nagbibigay sa kanya ng lahat ng luho niya. Marami kasi siyang pinagkakaabalahang sports, ‘di ba?

“Ang sabi, e, nanggagaling ang ginagastos niya sa mga hobbies niya sa karelasyon niyang mayamang babae na taga-South! Pinatotohanan ‘yun ng girl na nagmamarakulyo ngayon!

“Talaga palang nakikipagrelasyon siya sa mas matanda kesa sa kanya, pero kailangang madatung ang babae, ganu’n ang kuwento!” madiin pang sabi ng aming impormante.

Nag-iisip tuloy ang marami ngayon na may katotohanan ang kuwento na nu’ng maging karelasyon niya ang isang female personality ay ito ang gumagastos para sa kanya.

Huling sultada ng aming source, “’Di ba, pagkatapos nilang magkahiwalay ng girl na naanakan din niya, e, ang female personality na ang naging girlfriend niya!

“May lumabas kasing mga kuwento nu’n na napakalaki ng in-invest ng girl para sa mga activities na sinasalihan ng guy, pero nagkahiwalay rin naman sila.

“Confirmed!” pagtatapos ng aming impormanteng paapir-apir pa sa kanyang katabi.

Ubos!

Bong hindi natumba ng bashers

Kahit anong kanegahan pa ang pasabugin ng mga taong walang magawa d’yan ay wala nang makapipigil sa pagbabalik-pelikula at telebisyon ni Senador Bong Revilla.

Mas maraming kababayan natin ang humihiling na huwag iwanan ng senador ang kanyang trabaho bilang artista, gawan daw sana niya ng paraan na mapagsabay niya ang kanyang trabaho bilang mambabatas at artista, kaya sorry na lang sa mga taong walang nakikitang maganda kay Senador Bong.

Puro sila paghusga, puro pangnenega, sana man lang ay inaalam din nila ang mga detalye kung bakit at paano nilinis ng mga hukuman ang pangalan ng aktor-pulitiko.

Totoong napiit siya nang halos limang taon, pero paano ba siya nakalaya, mismong Sandiganbayan na ang humusga na wala siyang dapat ipagdusa dahil wala siyang pinakialamang pera ng bayan at ng kahit sino.

Sa mga susunod na buwan ay muli nang mapapanood sa GMA-7 si Senador Bong. Nakaplantilya na rin ang gagawin niyang pelikula sa isang malaking produksiyon kung saan isang sikat na boxoffice star na may ka-loveteam ang kanyang makakapareha.

Siguradong panalo ang mga gagawing proyekto ni Senador Bong dahil hanggang ngayon ay nand’yan pa rin ang kanyang mga loyalista na muling nagluklok sa kanya bilang senador ng ating bayan.

Muli, sorry na lang uli sa mga taong pilit na nanglalaglag sa magiting na senador na nagtatrabaho lang nang tapat at wagas.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with