^

PSN Showbiz

Ken umamin na sa nararamdaman kay Rita

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ken umamin na sa nararamdaman kay Rita
Ken and Rita

Masaya at nagpapasalamat ang One of the Baes lead actor na si Ken Chan na madalas niyang nakakasama ngayon ang kanyang ka-loveteam at leading-lady sa nasabing serye na si Rita Daniela. Hindi lamang sa taping ng kanilang serye kung hindi maging sa promotional trips and tours ng Beautéderm kung saan kasama silang dalawa sa 42 brand ambassadors.

Hindi ikinakaila ng Kapuso actor na mahal na niya ang singer-actress na si Rita dahil umano sa pagiging totoong tao nito.

“Alam naman niya na espesyal ang pagtingin ko sa kanya ngayon at ipinararamdam ko na mahal ko siya,” pag-amin ng singer-actor sa ika-40th birthday celebration ng lady boss ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa Somorset Ballroom ng Royce Hotel & Casino sa Clark in Angeles, Pampanga last Saturday evening. Nag-perform din ng duet sina Ken at Rita para sa birthday celebrant.

Casts ng SPS may lungkot at sayang nararamdaman

Ang APT Entertainment ang producer ng Sunday PinaSaya, musical-comedy show on GMA-7 which started airing as early as 2015.  Ito’y tinatampukan nina AiAi de las Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola at marami pang iba mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Matapos ang apat na taon ay malapit na rin itong magpaalam dahil hanggang December 22 na lamang umano mapapanood ang Sunday noontime show na siyang katapat ng ASAP Natin `To ng ABS-CBN. 

Ito’y nakatakda umanong palitan ng panibagong station-produced musical variety show na tatampukan pa rin ng mga Kapuso stars and talents.

Napag-alaman din namin na hanggang ngayong December na lang din mapapanood ang Studio 7 na isa ring musical-variety show dahil ang karamihan (if not all) ng mga tampok sa Studio 7 ay mapapasama sa magsisimulang musical variety show ng Kapuso network.

Kung matatandaan pa, ang timeslot na okupado ngayon ng Sunday PinaSaya ay nagmula sa oras ng dating SOP, Party Pilipinas at Sunday All Stars pero hindi ito makaabante sa katapat nitong programa lalo na nang lumipat sa Dos ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez in October 2018.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ngayon ng stars and talents ng Sunday show dahil bukod sa sila’y malulungkot na sila’y magkakahiwa-hiwalay, masaya naman ang tropa dahil magpapaalam umano sila sa ere na consistent na mataas ang kanilang rating.

Cyberbullying malala na

Napaka-rampant na ngayon ng cyberbullying dahil nagagawa ito ng mga taong hindi kakilala sa mga taong gusto nilang i-harass, takutin o pahiyain sa pamamagitan ng social media. Yung ibang nabu-bully ay masyadong naaapektuhan which can resort to depression hanggang sa pagpapakamatay.

Marami ang advantage sa paggamit ng social media pero marami rin ang downside nito kung ito’y nagagamit sa hindi maganda tulad ng cyber bullying dahil ito ang nagiging cause ng depression sa marami at kapag hindi na nila makayanan ay nagsu-suicide tulad na lamang sa nangyari sa dalawang K-Pop stars na sina Goo Hara (28) at ang isa pa nitong kaibigan na member ng ibang girl-group na si Sulli na nagpakamatay nung isang buwan.

Si Goo Hara ay natagpuang patay sa kanyang bahay nung nakaraang linggo, November 24.  Bago nangyari ito, nakiusap na ito sa kanyang detractors na sana’y pawang positibong comments ang makuha niya sa halip na pawang paniniwala.

Ang cyber bullying ay isang worldwide me­nace na ini-enjoy gawin ng mga taong tila walang magandang magawa sa kanilang buhay kung hindi ang manira o ‘di kaya ang mang-harass ng ibang tao kahit walang kinalaman sa kanila.

Bukod sa South Korea, usong-uso rin sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ang cyberbullying na mukhang mahihirapan nang mahinto pa.

Si Goo Hara ay naging miyembro ng five-member all girls group na Hara nung 2008 bago ito naging solo artist in Japan at nagkaroon pa siya ng solo concert sa nasabing bansa early this month.

Gretchen at Claudine MIA sa 40th day ng ama

Hindi namataan ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto at iba pang mga kapatid sa ika-40th day ng kanilang namayapang ama na si Miguel Alvir Barretto nung nakaraang Sabado, November 23. Ito’y ginunita ng biyuda ni Miguel na si Estrella ‘Inday’ Barretto kasama ang mga anak na sina Marjorie at Mito Barretto, ang kanilang mga anak at ibang kaanak.

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with