^

PSN Showbiz

Kapalit ng SP, next year na eere

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Kapalit ng SP, next year na eere

SEEN: Pumirma kahapon si Jerald Napoles ng exclusive contract sa Viva Artists Agency. Dating contract artist si Jerald ng Triple A ng APT Entertainment. Pareho nang contract stars ng Viva si Jerald at ang kanyang girlfriend na si Kim Molina. Isang comedy movie ang unang project ni Jerald sa Viva Films.

SCENE: Sa January 5, 2020 ang target airing ng bagong noontime musical variety show ng GMA-7 na ipapalit sa Sunday PinaSaya. May mga mainstay ng Sunday PinaSaya ang makakasama sa cast ng coming soon Sunday noontime show ng GMA.

SEEN: Sa kabila ng paliwanag na tinanggap niya ang suggestion ng netizens na hindi dapat magbitiw sa tungkulin ang guro na inaakusahan ng child abuse, binabatikos pa rin ng publiko ang hard-hitting journalist na si Raffy Tulfo.

SCENE: Ang plano ni Raffy Tulfo na pagharapin at pagkasunduin kahapon sa kanyang programa ang mga magulang ng bata na nagreklamo at ang teacher na inireklamo. Tumanggi na ang teacher na pagbigyan ang gusto ni Raffy.

SEEN: Hindi na matutuloy na ipalabas sa mga sinehan bago matapos ang 2019 ang Philippine adaptation ng blockbuster Korean movie na A Hard Day na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Janno Gibbs.

SCENE: Si Juancho Trivino ang host ng One Love, One Kawit, ang fashion show na isa sa mga project ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo bilang parangal sa talento ng fashion designers ng Kawit, Ca­vite. Hindi nagpainterbyu si Juancho tungkol sa mga isyu na kinanasangkutan niya sa set ng Madrasta dahil ito umano ang payo ng GMA Artist Center.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with