^

PSN Showbiz

Mga bagets na boss, iba ang energy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga bagets na boss, iba ang energy!
Rachel, Lolit at Annette

Iba talaga kapag mga bata at agressive ang mga leader natin o ang mga big boss dahil iba ang kanilang management handling plus ‘yong people’s touch nila like MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Rachel Arenas, Liza Diño, Annette Gozon-Valdez ng GMA-7  at Carlo Katigbak ng ABS-CBN.

Kapag bagets ang mga bossing, parang very approachable, hindi intimidating, very pleasant sila na kausap at hindi ka on guard lagi.

Kung makikita ninyo ang conversation nina Chair Rachel at Ms. Annette, para silang mga high school girl na walang tension sa trabaho, walang pressure at parang ang gaan lang ng buhay samantalang malaki ang responsibility na nakaatang  sa balikat nila.

No wonder, maraming accomplishments ang mga office na pinamumunuan nila dahil young, vibrant and full of energy sila na mga boss. Bongga talaga.

Sobrang bonggang celebration at bonus…

Sobrang bongga ang birthday celebration ni Rhea Tan ng Beautéderm Salve ha?

For the second time, napuntahan natin uli ang Marriot Hotel sa Clark na okey ang service at pagkain.

Bongga nga dahil si Paolo ng Marriott coffeeshop, asikasong-asikaso tayo. Madalas na puno ng mga guest ang hotel dahil sa dami ng naka-staycation na gusto lang mag-feeling turista even just for a day.

Palaging puno ng guests ang lobby at coffeeshop ng Marriott Hotel dahil sa dami ng mga naka-check in.

At tuwang-tuwa ako Salve dahil sabi ni Papa Miguel Belmonte, meron akong bonus this year at tinanong ako kung happy ba ako sa bonus ko last year.

Forget ko ha pero this year tingnan ko kung magiging happy ako ‘di ba? Tulad ni Rhea Tan ng Beautéderm si Papa Miguel na type na type rin na magbigay ng bonus.

Iba kaya ang bonus sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) at PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa)? Bongga ha, wait ko mga bonus ko. Huwag mo get Salve ha, para ‘yan kay MJ no? Hahaha.

Alden

Tatay ni Alden hindi maka-move on sa lumang isyu?!

May bagong emote na naman ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson para sa isang isyu na luma.

Nabuhay muli ang intriga na may inililihim na anak si Alden Richards kaya nagbitaw ng salita ang kanyang ama.

“Laitin ni’o na po ako...itatayo ko na po buong buo ko...walang asawa at anak si Richard R. Faulkerson Jr.,” ang emote ng tatay ni Alden na believable dahil lumang-luma na ang isyu na hindi naman mapatunayan ng bashers at detractors ng kanyang anak.

vuukle comment

ALDEN RICHARD

ANNETTE

LOLIT SOLIS

RACHEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with