^

PSN Showbiz

Bela mas feel na sa foreigner may forever

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela mas feel na sa foreigner may forever
Bea

Wala pa ring bagong karelasyon ngayon si Bela Padilla. Wala umanong panahon ang aktres sa kanyang buhay pag-ibig kaya trabaho muna ang pinagtutuunan ng oras sa ngayon.

“Single forever, I would be sad if ten years from now, kung hindi ko nagawa itong mga ‘to. Tapos napanood ko, tapos sasabihin ko sa sarili ko, ‘Sana ako na lang.’ So mas lalo ako malulungkot,” nakangiting pahayag ni Bela.

Maging ang oras para sa sarili ay isinasabay na lamang ng dalaga sa kanyang mga ginagawang trabaho. “Shooting is my me time. Comfort zone ko na ‘to. ‘Pag wala ako sa shooting, mag-iisip ako kung kailan kaya ako magkaka-shooting ulit. Nag-e-enjoy po ako ngayon masyado sa pelikula,” natatawang kwento ng aktres.

Kapag wala namang trabaho ay madalas na sa ibang bansa nakapagbabakasyon si Bela.

Posible kayang isang banyaga ang maging kasintahan ng aktres?

“Actually parang feeling ko nga parang mas doon ako bagay. Kasi di ba very ano ako, pati magsalita, very straight forward. Opinionated, so baka naman,” pagtatapos niya.

Vina

Vina umaming nabaliw noon ng grabe kay robin

Naranasan na ni Vina Morales na magmahal nang sobra noon sa kanyang mga na­ging kasintahan. Matatandaang naging nobyo ng aktres si Robin Padilla mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.

“Oo, naging baliw ako sa pag-ibig no’ng kabataan. But I learned, ngayon maski paano nasasaktan ka na lang if the relationship doesn’t work pero hindi ka na nababaliw-baliw tulad nang dati. Natuto na rin naman ako na maging matatag. Sa pagkakaalala ko eh siyempre ‘yung kay Robin. Baliw na baliw ako no’n, Sisa ako no’n. After that, siyempre nabaliw din ulit ako sa pag-ibig (sa tatay ng anak) but medyo slight na lang. Gano’n yata talaga, parang ‘pag first heartbreak mo feeling mo magugunaw na ang mundo mo. So dumaan naman ako diyan,” pagtatapat ni Vina.

10 taong gulang na ngayon ang anak ng aktres kay Cedric Lee na si Ceanna. Hindi man nakatuluyan ni Vina ang ama ng anak ay wala naman daw siyang pinagsisisihan sa mga nangyari. “Ang sarap kayang maging nanay. Wala naman akong pinagsisihan sa buhay ko. I always think naman na sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko, thankful ako kasi naging matatag ako, at naging ganito ako ngayon dahil sa mga naranasan ko. You just have to think also the good things kasi minsan nakakalimutan natin ‘yon eh. Kaya karamihan ng mga kabataan ngayon nade-depress kasi tinitingnan nila ‘yung mga negative na nangyayari sa buhay nila, but if you just think positively and thankful ka lang, and of course prayer, magiging light ‘yung emosyon mo,” giit ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BEA ALONZO

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with