^

PSN Showbiz

Joao pipiliting magmarka bilang kapatid ni Bea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Joao pipiliting  magmarka bilang  kapatid ni Bea
Joao

Mga kapatid ni Bea Alonzo ang role nina Joao Constancia at Anthony Jennings sa Unbrea­kable at masaya ang dalawa to be part of the Star Cinema movie to be shown on November  27. Ibang klase raw ang makasama sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban at may Richard Gutierrez with Mae Cruz-Alviar directing.

Hirit pa ni Joao, kinabahan siya sa umpisa dahil big stars ang mga kasama, na-intimidate siya, pero mababait daw ang tatlo.

Biniro ng press si Joao na kailangang magmarka ang role niya sa Unbreakable  para makilala siya hindi lang bilang ex-BF ni Sue Ramirez. Nilinaw nitong break na talaga sila ng aktres at hindi tsika lang ang lumabas dahil gustong mag-focus ni Sue sa kanyang career. Sa kuwento ni Joao, parang si Sue ang nakipag-break sa kanya.

Alden pinagmalaki ang biceps

Nabasa ng fans ni Alden Richards ang story na sinabi ni Lolit Solis na  hindi man matuloy ang paggi-guest ni Sen. Bong Revilla sa The Gift ni Alden, si Alden na lang ang maggi-guest sa gaga­wing TV show ni Sen. Bong sa GMA-7 na malapit na raw simulan ang taping.

Pero, kahit ito ay inawayan ng ibang fans ni Alden. Ayaw pa rin nilang mag-guest si Alden sa show ni Sen. Bong at nagpauna nang hindi nila susuportahan ang guesting ni Alden. Pati ang guesting ng ibang Kapuso stars, hindi nila susuportahan kahit sabihin pang pambata ang magiging show ng senador.

Hindi namin alam kung nakarating na ito kay Alden at sa GMA 7 at kung may hakbang silang gagawin para suportahan ang show ni Bong ‘pag umere na.

Samantala, naging maingay ang pagpo-post ni Alden ng photo niya na ipinagmalaki ang biceps na resulta ng pagwu-workout. Kahit busy sa taping ng The Gift at sa ibang showbiz commitments, naglalaan ng time si Alden to workout at may resulta na. Ang susunod nitong ipakikita ay ang kanyang abs.

Sharon dedma sa pambo-boycott ng fans

Wala pang reaction si Sharon Cuneta sa balitang may fans siyang magbo-boycott dahil hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Pero, kung totoong walang kontrata sa Kapamilya network si Sharon, hindi nga nakakapagtaka kung hindi siya makasama sa Christmas Station ID.

To date, hindi lang si Sharon ang Kapamilya stars na wala sa station ID dahil wala rin sina Angel Locsin na may fever sa shoot ng station ID. Wala rin si Jed Madela sa hindi alam na dahilan.

Anyway, mas maraming bagay na inaasikaso si Sharon kesa hindi niya pagkasama sa Christmas Station ID. Gaya na lang ng sunud-sunod na concert abroad. Gaya ng Australia Tour 2020 ng kanyang My 40 Years concert na naka-schedule mula April 17, 18, 25 at 26.

Susunod dito ang US Tour ng Iconic  concert nila ni Regine Velasquez sa May.  May nabanggit pang pelikulang gagawin si Sharon, kaya never mind kung wala siya sa Station ID, marami pa rin naman siyang projects.

 

vuukle comment

JOAO CONSTANCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with