^

PSN Showbiz

Sikat na gay personality na madatung, kapos sa pakikisama sa mga dating katrabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masamang-masama pala talaga ang loob ng isang gay personality sa isang dati niyang kasamahan sa trabaho na nabigyan ng pagkakataong sumikat.

Kalat na kalat na ang sentimyento de asukal ng nasabing gay personality, marami nang nakakaalam nu’n, at nakikisimpatya sa kanya ang mga kasamahan nila.

Kuwento ng isang source, “Napakalayo naman kasi ng ugali ng beking personality na ‘yun sa isang kasamahan nilang sinu­werte, pero hindi nakalilimot sa pinanggalingan niya!

“Itong beki personality na ito, e, napakayaman na, meron na siya ng lahat, pero hindi naman siya ma­yaman sa pakikisama sa mga dati niyang katrabaho!

“Di hamak namang mas masuwerte siya kesa sa isang gay personality na nagtayo ng foundation para makatulong sa hanay nila. Wala nang problema ang mga nagkakasakit na beki personalities, dahil libre na ang pagpapagamot nila dahil sa gay personality na sinuwerte rin sa buhay.

“E, itong sumikat nilang kasamahan? Instead na makatulong, e, hinaharang pa nga niya ang mga opportunities para sa mga kasamahan niya?

“Ayaw niyang sumikat ang mga dati niyang katrabaho, gusto niyang solohin ang entablado, kaya maraming sumasama ang loob sa kanya ngayon. Wala siyang pakisama,” unang chika ng aming impormante.

Pinakamasama ang loob ng isang komedyanteng dapat sana’y sasali sa isang pa-contest na pinamumunuan ng beking personalidad na sikat na sikat na ngayon.

Balik-kuwento ng aming source, “Inabala naman kasi nila ‘yung tao! Malaking time ang inilaan niya para sa pictorial, sa VTR, sa kung anu-anong kailangan, pero wala naman pala siyang maaasahan!

“Kahit anong salita, e, wala na siyang natanggap mula sa production, sa ibang tao pa niya nalaman na hindi na pala siya kasali sa labanan!

“Nakarating din sa kanya na ang humarang sa kanya, e, ang mismong katrabaho niya dati dahil marami raw siyang sinasabi nu’ng unti-unti nang nakikilala ang beking personality!

“Nagtatatak pala siya ng tao, benggador pala ang sikat na beki, tinatandaan pala niya ang mga taong may sinasabi nu’ng nabibigyan na siya ng pagkakataong sumikat!

“Naku, ate, hindi naman tama ‘yang ugaling ganyan! Nasa iyo na ang lahat, maligaya ka na rin ngayon sa piling ng lover boy mo, pero bakit kailangang may mga benggahan pang ganyan?

“Nakakaawa naman ang mga ate mo na nagta-try lang namang makakurot sa kasikatang ine-enjoy mo ngayon!” napaka­diing komento ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Marjorie suwerte sa pamilya Gretchen ayaw nang uwian ni Dominique, nabuko ang relasyon kay Atong?!

Sa punto ng personal nilang buhay ay malaki ang bentahe ni Marjorie Barretto sa kanyang kapatid na si Gretchen. Mapera si Gretchen, may pamilya namang maituturing si Marjorie, nauubos ang salapi pero ang pamilya ay palaging nand’yan lang para sumuporta.

May anak si Gretchen kay Mr. Tony “Boy” Cojuangco, si Dominique, pero mas gusto namang manirahan ng dalaga sa Amerika. Sa kabilang banda ay kasama naman ni Marjorie ang kanilang mga anak ni Dennis Padilla pati ang anak nila ni dating mayor Echiverri.

Sa usapin ng family support ay busog na busog si Marjorie, samantalang si Gretchen ay uhaw, dahil hindi niya kasama si Dominique.

May isyung lumabas na ayaw umuwi ni Dominique dahil napakagulo diumano ng takbo ng buhay ng kanyang ina. Akala raw kasi ng dalaga ay kasosyo lang talaga ng kanyang ama sa negosyo si Atong Ang pero karelasyon naman pala ng kanyang mommy.

Sa pananaw ng mas nakararami ay suwerte nga si Gretchen dahil mapera siya, kumpara kay Marjorie na may trabaho man ay hindi naman ganu’n kapabolosa ang buhay, pero maraming pero ang ganu’ng sitwasyon.

Hindi nabibili ng salapi ang kaligayahan, ang tunay na pagmamahal, ang kapayapaan ng kalooban at ang respetong hindi nahihingi kundi kusang ibinibigay.

Sino sa kanilang magkapatid ang mas masu­werte ngayon?

vuukle comment

KATRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with