^

PSN Showbiz

Box office young actress pasok sa pelikula ni Bong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakisakay kami kay Manay Lolit Solis kahapon papuntang Clark para daluhan ang 10th anniversary ng Beautederm at kasabay na rin ang celebration ng 40th birthday ng napakabait at very gene­rous na may-ari nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Ang dami niyang tsika tungkol sa showbiz plans ni Sen. Bong Revilla sa pagpasok ng 2020.

Sinabi naman ni Sen. Bong na first love niya talaga ang pag-aartista kaya gusto niya itong balikan pagkatapos niyang magpaka-busy sa Senado pagkatapos ng eleksyon.

Sabi nga niya sa kanyang statement kaugnay sa mga bashing sa kanya kamakailan lang, “Wala pang batas na nagbabawal sa pag-aartista. Ito ay isang marangal na trabaho na bumuhay at bumubuhay sa pamilya ko.”

Maraming mga offer at magaganda, kaya lalo siyang naengganyong panahon nang balikan na niya ito.

Sabi nga ni Manay Lolit, dito niya nakikita na malakas pa rin talaga si Sen. Bong dahil sa kabila ng mga paninira at pamba-bash laban sa kanya, interesado pa rin ang mga malalaking TV network at film production sa kanya.

Kaya tiyak na magiging abala na naman daw ang mga bashers at trolls kapag mabalitaan nilang magbabalik TV at pelikula na ang senador.

Tuloy daw ang programang gagawin niya sa GMA 7, pero mas mabuti sigurong hintayin na lang ang formal announcement ng Kapuso network.

Pagdating sa movies, isang malaking film outfit din ang maki-co-produce sa kanya para sa isang comedy film na gusto na niyang simulan.

May kinalaman ito sa isang sikat na sayaw na muli niyang pinasikat. Pero inaayos pa ang makaka-partner niya na isang kilala rin international celebrity.

May isa pang inaayos na malaking film project na ayon kay Manay Lolit, isang sikat na young actress ang makasama niya rito.

“Iyan ang talagang kailangang abangan nila. Kasi, ang magiging ka-partner diyan ni Bong, box office star ngayon. Isang young star.

“Ang story, parang Vagabond ni Lee Seung-gi. Ang papel ni Bong, isang disgraced man na sa pagliligtas niya sa kanyang pamangkin or something, iyong journey niya to redemption... doon nangyari!” kuwento niya.

Hindi pa sure ang buong detalye sa gagawin niyang TV show sa GMA 7, pero ang sabi pa ni Manay Lolit, hindi naman daw magi-guest si Sen. Bong sa programa ni Alden Richards, kundi si Alden daw ang magi-guest sa programa ng senador.

“Ang hindi nila alam, mali ang impormasyon nila! Si Alden ang magge-guest doon sa bagong show ni Bong Revilla, ‘no?!” bulalas ni Manay Lolit Solis habang binabaybay namin ang kahabaan ng NLEX patungong Marriot Hotel na kung saan gaga­napin ang malaking selebrasyon ng Beautederm.

Enchong bagong Beautederm ambassador

Excited si Ms. Rhea Tan sa mga aabangan sa Beautederm pagkatapos ng kanilang 10th anniversary.

Mga bagong men’s products daw ang ilu-launch nila na i-endorse ng bagong brand ambassador nilang si Enchong Dee.

“Si Enchong ang additional brand ambassador para sa men’s products namin.

“Na-launch namin kanina yung men’s products. We have pomade, deodorant, shaving cream,” kuwento ni Rhea.

Dagdag pa ang dating Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na isa sa guest speakers niya sa convention na bahagi ng kanilang malaking selebrasyon.

Halos 700 distributors ang dumalo sa conventon na iyun mula iba’t ibang bahagi ng bansa pati sa Singapore at Amerika.

“Treat namin sa kanila, dahil din naman sa kanila kaya lumaki ang Beautederm eh,” pakli niya.

Dumalo ang lahat na brand ambassadors nila na nakisaya sa lahat na mga distributors.

Ilan sa mga celebrities na namataan namin kahapon ay sina Lorna Tolentino, ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Sylvia Sanchez at Carlo Aquino.

Kasama ni Carlo roon ang napapabalitang girlfriend niyang si Trina Candaza.

vuukle comment

BONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with