^

PSN Showbiz

Frozen 2 nilampaso ang mga kasabayang local films

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagpamalas ng matinding lakas sa takilya ang part two ng pelikulang Frozen na obvious na inaabangan ng moviegoers.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, umabot daw ng P25M ang first day earnings kaya nilampaso nito ang mga kasabay na Pinoy films na nag-showing nung nakaraang Miyerkules: ang musical film na Damaso at erotic psychological thriller na Adan.

Ayon sa aming source, hindi pa raw umabot ng 500 thousand pesos ang kinita ng dalawang pelikulang ito.

Kaya posibleng mawalan na ito ng sinehan kung hindi ito makakabawi bago mag-weekend.

Sana huwag muna, dahil may pasok pa ang mga estudyante na posibleng manood ng Damaso. Iikot naman daw nila ito sa mga eskuwelahan sabi ni direk Joven Tan.

Ang Adan naman ay baka sa weekend din makakalabas ang mga kalalakihan para pagpantasyahan nila sina Cindy Miranda at Rhen Escano.

Sana huwag muna nila itong ibigay sa Frozen.

Mylene naudlot ang pamamahinga

Nagkaroon na ng story conference ang bagong drama series ng GMA-7 tampok ang original superstar Nora Aunor.

Naibalita na natin noon na gagawing soap ng GMA-7 ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit na isa sa mga box-office hits nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Ngayon ay ibabalik nila pero si Mylene Dizon na ang gaganap bilang si Magnolia dela Cruz na siyang ginagampanan ni Nora noon.

Isa ito sa mga pagbabago sa kuwento dahil si Cedes at Elena na ngayon ang gagampanan ni Ate Guy. Si Kyline Alcantara naman si Maggie ang anak ni Magnolia dela Cruz.

Tatlong henerasyon ang ilalahad sa kuwento na mas mabigat at mas matindi raw ang mga karakter na gagampanan nila. Ang interesting pa sa seryeng ito ay si direk Laurice Guillen ang direktor na forte ang family drama.

Nagulat nga kami na tinanggap ni Mylene ang naturang project, dahil naalala pa namin ang sinabi niya noon na gusto muna niyang magpahinga, magpaka-housewife at nanay pagkatapos ng Sahaya.

Pero sandali lang ang bakasyon niya dahil heto’t sisimulan na niya ngayon itong Bilangin...

Hindi pa naman daw sinasabi ng mga big boss kung saan ito ilalagay.

Kasama rin dito sina Zoren Legaspi, Yasser Mata, Isabel Rivas, Perla Bautista at marami pang mga karakter na tiyak lalabas diyan.

Kukunan daw ang karamihang mga tagpo sa grapes farm sa La Union.

Descendants... nila Dingdong papanoorin muna ng Korean producer bago iere sa GMA!

Tama ngang wala na munang matsutsugi na drama series sa GMA-7. Patatawirin nila ito hanggang next year. Kaya nag-iipon muna sila ngayon ng drama series para ipalit sa mga tatapusin sa taong 2020.

Bandang February daw ipalalabas ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun, pero puspusan na ang taping nila dahil nagbabangko pala sila ng mga episode at baka tatapusin na muna nila ito bago nila ipalalabas.

Ang pagkakaalam namin, papanoorin daw muna ito sa Korea na siyang nag-produce ng Descendants of the Sun bago nila ito ipalalabas dito sa atin. Na-enjoy naman ng buong cast lalo na sina Dingdong Dantes ang taping dahil feel na feel nila ang pagiging military nila.

Sila mismo gumagawa ng mga action scenes kahit medyo delikado. Ayaw daw nila magpa-double. Ikinuwento nga ni Rocco na sila yung nakasabit sa chopper na lumipad. Sumisigaw daw siya sa takot, pero kailangang gawin daw nila iyun.

“It opened my eyes to join sa Navy. Nagkaroon ako ng sense of patriotism. Pero hindi naman ito dapat abusuhin kasi representative na rin ako sa AFP. At mas humahanga ako ngayon sa  mga sundalo natin,” pakli ni Rocco.

Sa ngayon ay mas malalim na raw ang bonding nila sa Descendants.

Hangang-hanga rin sila sa dedikasyon ni Dingdong na ang ibang shots daw na ipinu-post nila ay dinidirek daw nito.

Magsisimula nang magpu-promote si Rocco sa Metro Manila Film Festival entry niyang Write About Love, kaya isisingit pa niya ito sa taping ng Descendants of the Sun.

vuukle comment

FROZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with