^

PSN Showbiz

Sila Sila best picture sa C1 Originals

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sila Sila best picture sa C1 Originals
Sila Sila cast

Itinanghal na Best Picture ang gay rom-com na Sila Sila ni Giancarlo Abrahan, habang humakot ang unang pelikula ni J.E. Tiglao na Metamorphosis ng limang pagkilala sa awarding ceremony ng Cinema One Originals 2019 na ginanap nitong Biyernes (Nobyembre 15) sa Dolphy Theater.

Pinatunayan ni Giancarlo na direktor ng Best Picture na Sila Sila ang kanyang galing lalo na’t naiuwi na rin niya ang parehong pagkilala noong 2017 Cinema One Originals para sa pelikula niyang Paki.

Sa kanyang acceptance speech, inalay niya ang naturang award sa buong LGBT community. “Napakasaya ko nung nabasa ko yung isang tweet. . . ‘wow, I feel seen.’ Nandito kaming lahat ngayon nakatayo sa harap ninyo—baklang direktor, baklang manunulat, at baklang mga aktor. We are seen,” ani Giancarlo.

Bukod sa pinakamataas na award, panalo rin ang Sila Sila sa tatlo pang kategorya—bilang Audience Choice, Best Screenplay para kay Daniel Saniana, at Best Supporting Actor para kay Topper Fabregas para sa pagganap niya sa makabagong kwento ng pag-ibig.

Napanalunan naman ng coming-of-age drama na Metamorphosis na naging controversial nang unang bigyan ng x rating ng MTRCB na isang kwento tungkol sa isang intersex person, ang Best Actor award para sa pagganap ni Gold Aceron bilang bida ng pelikula, Best Supporting Actress para kay Iana Bernardez, at Best Director para kay Tiglao. Bukod dito, panalo rin ang pelikula ng Best Sound para kina Immanuel Verona at Vince Banta, pati na rin ang Best Cinematography para kay Tey Clamor na napanalunan din ni Carlos Mauricio ng Tia Madre.

Samantala, nakakuha ng tatlong awards ang Lucid ni Victor Villanueva, na tumalakay sa lucid dreaming phenomenon, kabilang na ang Best Actress award para kay Alessandra de Rossi, Best Editing para kay Benjamin Tolentino, at Best Music para kay Emerzon Texon, na naiuwi rin ni Kevin Dayrit para sa pelikulang O.

Ang Utopia naman ni Dustin Celestino ang nagwagi ng Best Production Design award, pati na rin ang Jury Prize.

Kabilang sina Lav Diaz, Paulo Avelino, Sari Dalena, Emil Hofileña, at Sungho Park sa awards jury ngayong taon.

Labinlimang taon nang naghahandog ng iba’t ibang pelikula na may nakapupukaw na tema ang Cinema One Originals para sa mga Pilipino. Bawat taon, naging layunin na ng film fest na mabigyan ng pagkakataon ang mga gumagawa ng pelikula, baguhan man o hindi, para maisakatuparan ang kanilang mga ideya.

Hanggang ngayong araw pa mapapanood sa selected theaters ang mga pelikulang kasali sa Cinema One Originals 2019.

 

 

vuukle comment

SILA SILA CAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with