^

PSN Showbiz

Dahil daw sa attitude Show nila Juancho Trivino tsutsugiin na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dahil daw sa attitude Show nila Juancho Trivino tsutsugiin na!
Juancho

Aware si Juancho Trivino na pinag-uusapan na ang umano’y attitude niya na ‘di nagustuhan ng karamihan sa production staff.

Sa lumabas na blind item na pinagmumura raw niya ang driver sa taping nila ng Madrasta pero itinatanggi ito ni Juancho. Hindi raw talaga totoo iyun.

Iyung nagkasigawan at nagkamurahan sila ng kanilang director na si Monti Parungao, nilinaw niyang hindi si direk ang minura niya kung hindi ang sitwasyon na pinaulit-ulit sa kanya ang eksena.

Nahirapan na raw kasi siya sa kauulit-ulit dahil may rain effect pala iyon at basang-basa na raw siya.

Meron daw isang linya na pinapa-dialogue sa kanya na ginawa naman niya, pero pinipilit daw ni Direk na hindi niya iyon sinabi. Kaya pinaulit na naman sa kanya.

Kaya napamura raw siya ng “tangna naman o. Paulit-ulit!”

Bumababa nga si direk at hinarap siya kung minura nga ba siya.

Doon na raw sila nagkasagutan. Pero nagkausap naman daw sila nang maayos at humingi na siya ng sorry.

Pero pinapa-pack up na rin daw ni direk dahil may tensyon na raw sa set.

Ang alam daw niya ay okay na sila at tapos na ang isyu, kaya nagulat na lang siya na may naglabasang ganitong kuwento.

Samantala, kahapon lang ay may ipinost si direk sa kanyang Facebook account na tipong baka dumating na raw ang kinatatakutan niya. Huwag naman daw sana.

Ang duda ng iba, baka ang tsutsugihin na ang programa nila. Ito lang kasi ang hindi gaanong nagri-rate kung ikumpara sa ilang programang sinusundan nito.

Kung matsutsugi man ito, ang sinisisi raw ng production staff ay si Juancho dahil nane-nega na raw ang programa nila.

Pero naintindihan si hunk actor ng ilang co-actors na naging close niya. Sinasabi ng ilang co actors na mabait naman daw ito. May pagkataklesa lang daw, pero mabait daw si Juancho.

Jobert in-unfriend ni Morissette matapos ang apology!

“How sad” na lang ang reaksyon ni Jobert Sucaldito nang i-unfriend siya ni Morissette Amon sa Facebook, pagkatapos niyang maglabas nang public apology sa ginawa niyang pag-walk out sa birthday concert ng baguhang si Kiel Alo.

May mga post din siyang tinanggal na, pati ang apology.

Pero ni-repost naman niya ang ipinost ni Jobert na pag-apologize.

Sabi ni Jobert sa ipinost niya sa kanyang Facebook account kahapon,

“In fairness, di naman niya ako binlock. Dati kasi mag-friends kami. “Gayunpaman, God bless her pa rin sa depression niya kung totoo man ito. Take care, dear. Iyon na lang ang masasabi ko.”

Sabi nga namin kay Jobert, ang dami ng artists na dumaan sa career natin, nandiyan pa rin naman tayo. Tuloy pa rin ang buhay, kaya move on na lang.

Remake ng pelikula nina Nora at Tirso pagbibidahan ni Kyline!

Next week na raw ang story conference ng bagong drama series na pagbibidahan ni Nora Aunor sa GMA-7.

This time ay si Kyline Alcantara ang maka­kasama niya, at ayon sa aming source, remake daw ito ng box-office hit niyang pelikulang Bilangin ang Mga Bituin sa Langit. Hindi lang namin nakuha ang buong detalye, kung may babaguhin sa kuwento, pero isa raw sa mga artistang nakasama sa pelikula na mabibigyan ng mas mabigat na role ay si Perla Bautista.

Si Ate Guy pa rin kaya ang magbibitaw ng sikat na linyang “aso lang ang hindi nakakilala sa pangalang Magnolia dela Cruz!”?

Curious kami kung sino ang gaganap sa role ni Tirso Cruz III.

vuukle comment

JUANCHO TRIVINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with