^

PSN Showbiz

Lorna nagpapapayat!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Lorna nagpapapayat!
Lorna

SEEN: Isa si Marian Rivera sa mga unang nakatrabaho ni Betong Sumaya sa showbiz career. Umaasa si Betong na mapagbibigyan ni Marian ang kanyang imbitasyon na maging special guest ang aktres sa Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert sa Music Museum sa November 21.

SCENE: Nagpapapayat si Lorna Tolentino para sa wedding scene niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi inaasahan ni Lorna na magiging matagal ang participation niya sa Ang Probinsyano dahil nang i-launch siya bilang Iconic beauty ambassador ng Beautederm noong May 2019, hanggang September 2019 lang dapat ang kanyang guesting sa primetime action drama series ni Coco Martin.

SEEN: Hiniwalayan ng isang aktor ang girlfriend niya dahil bukod sa distant relatives sila, hindi boto sa kanya ang ina ng dating karelasyon. Inamin din ng aktor na nagkaroon din sila noon ng romantic involvement ng ina ng kanyang ex-girlfriend.

SCENE: 50 pounds ang nabawas sa timbang ni Gerald Sibayan, ang asawa ni AiAi Delas Alas. Sineryoso ni Gerald ang pagpapapayat sa pamamagitan ng diet at frequent visits sa gym.

SEEN: Aliw na aliw kay Cindy Miranda ang entertainment writers nang makausap nila ang former beauty queen sa presscon ng Adan dahil parang kasali pa rin siya sa beauty pageant sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga reporter. Wala ring dapat ikatakot si Cindy  kung sakaling hindi magustuhan ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang sexy scenes niya sa Adan dahil matagal nang tapos ang kanyang reign bilang Bb. Pilipinas Tourism 2013.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with