Arjo movie producer na!
Producer na rin si Arjo Atayde.
Soon ay magkakaroon na ng launching ang sarili niyang movie production.
Isang project with Ms. Nova Villa ang initial offering nila. Supposedly ito ‘yung pelikulang gagawin nila ni Eddie Garcia for the said production.
May sinusulat rin si Arjo na rom-com story na pag nagkataon ay first rom-com movie niya. Na nang tanungin namin kung ang girlfriend niyang si Maine Mendoza ang magiging leading lady niya, hindi naman daw at iniisip pa lang nila. “Yun naman ay isinusulat ko, another concept of mine. Wala pa po.
“We’re still thinking of possibility, pero hindi pa po pwedeng i-announce eh. Soon magkakaroon pa kami ng launching,” sabi ng actor na bibida uli sa season 2 ng Bagman sa iWant.
- Latest