^

PSN Showbiz

Jinggoy may keto diet coach na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Introducing sa Adan ng Viva Films at Aliud Entertainment ang sexy star na si Rhen Escano pero hindi ito baguhan sa showbiz dahil former mainstay siya ng Walang Tulugan with The Master Showman ni German Moreno. Si Ken Chan at ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto ang batchmates ni Rhen sa Walang Tulugan.

SCENE: May special participation si Rhen Escano sa Untrue, ang pelikula nina Cristine Reyes at Xian Lim na may mga daring scene na inakala niya na mauuna nang ipalabas sa mga sinehan kesa sa Adan. Sa February 2020 ang playdate ng Untrue at sa November 20 ang Adan.

SEEN: “Leading lady” ni Rhen Escano sa Adan ang former beauty queen na si Cindy Miranda. Kahit may mga maseselan siya na eksena sa Adan, ipinagmamalaki ni Cindy ang launching movie nila ni Rhen. Co-stars nina Rhen at Cindy sa Adan sina Bembol Roco at Epy Quizon. Dalawa ang pelikula ni Epy na magkasunod na mapapanood, ang The Art of Ligaw ng Coreminds Inc., November 13 at ang Adan sa November 20.

SCENE: Ipinagmamalaki ng Keto at fitness coach na si Miguel Chanco na si former Senator Jinggoy Estrada ang bagong kliyente niya. Naging kontrobersyal si Chanco dahil ibinulgar nito na nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa aktor na si Alex Diaz. Nag-apologize si Chanco kay Diaz at sa LGBTQ community pero huli na dahil marami ang nagalit sa panghihiya niya sa aktor na dumanas ng depression at nagdesisyon na umalis muna ng Pilipinas. Keto coach din siya ni Martin del Rosario.

SEEN: Ngayon, November 9, ang balik ni Dodit Mulyanto sa Jakarta, Indonesia matapos ang apat na araw na pamamalagi sa Pilipinas.Si Dodit ang sikat na Indonesian comedian na bida sa Cinta Itu Buta, ang Indonesian adap­tation ng Kita Kita, ang blockbuster movie nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi. Si Dodit ang Indonesian counterpart ni Empoy at personal na nagkita ang dalawa sa studio ng It’s Showtime noong Huwebes.

SCENE: Ang crispy pata ang Pinoy food na nagustuhan nang husto ni Dodit Mulyanto. Dalawang magkasunod na araw na crispy pata ang kinain ni Dodit at ng kanyang mga kasama sa mga Filipino restaurant na pinuntahan nila.

vuukle comment

JINGGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with