^

PSN Showbiz

KathNiel, LizQuen, KimXi, Gerald, James at Bea, balik-teleserye

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, LizQuen, KimXi, Gerald, James at Bea, balik-teleserye
KathNiel

MANILA, Philippines — Kabilang ang mga bagong teleserye ng KathNiel at LizQuen, ang unang pagtatambal nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez, ang romance drama nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion, at ang action serye ni Gerald Anderson sa mga bagong programa ng ABS-CBN na malapit nang mapanood sa Kapamilya Network at nagkaroon ng formal announcement sa naganap na ABS-CBN Christmas Trade Party noong Miyerkules.

Pagkatapos ngang maghakot ng pagkilala ng record-breaking movie nilang The Hows of Us, malapit nang mapanood ang reunion TV project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang teleserye na gagawin sa Mexico.

Muli ring makakatrabaho nina Liza Soberano at Enrique Gil ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina para sa romantic comedy na Make It With You. Sa ipinakitang trailer, bibida sina Liza at Enrique bilang dalawang mukukulit na estranghero na magkakakilala at magkakaibigan sa Croatia.

Maiipit naman si Bea sa isang love triangle sa kauna-unahang proyekto niya kasama sina Rafael Rosell at Richard Gutierrez sa Kahit Minsan Lang, habang mahahati naman ang isip at puso ni Xian Lim sa pagitan ng asawa niyang si Yam at kapatid nito sa ama na si Kim sa Love Thy Woman.

Si Gerald naman ang mamumuno sa mga kapwa sundalo niyang sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica at Carlo Aquino sa action-drama series na A Soldier’s Heart.

Samantala, eere na ang breakthrough two-in-one talent search na Your Moment tampok ang mga huradong sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda ngayong Nobyembre 9 at 10, habang muling magkakaroon ng pagkakataon ang Pinoy teenagers na maging singing superstar sa nalalapit na pagbabalik ng The Voice Teens.

Dumarami rin ang original series at movies na handog ng streaming service na iWant, kasama na ang pangalawang yugto ng Bagman na ngayon ay pagbibidahan ni Carlo Aquino bilang ‘gunman,’ dalawang Nathalie Hart-starrer na pinamagatang Uncoupling at Barbara Reimagined, Loving Emily ni Iza Calzado, Tapes  nina Sam Milby at Yassi Pressman, pati na rin ang pinakahihintay na digital films ng The Gold Squad—ang Little Red Shoes nina Kyle Echarri at Francine Diaz, at ang Wild Little Love nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Malapit na ring mapanood sa iWant ang pinakaunang proyekto ni Jodi Sta. Maria bilang producer na My Single Lady, tampok sina Ian Veneracion, Zanjoe Marudo, at si Jodi.

Anyway, wala pang feedback kung anong latest sa renewal ng franchise ng ABS-CBN pero nabalitang pag-uusapan ito sa Congress before the year ends.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with