^

PSN Showbiz

Aktres pinagmulta nang mabuking na nag-audition sa kalabang network!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May ginawa ang aktres na ito na hindi nagustuhan ng network kung saan siya nakakontrata. Akala ng aktres, hindi malalaman ng network na nagpa-VTR siya nang hindi nagpapaalam at handler niya sa labas ng network ang kasama.

Nagulat na lang ang aktres nang i-call out siya ng network na nalaman ang pagpa-VTR niya for a certain project. Hindi nakapag-deny ang aktres dahil nasulat ang kanyang ginawa.

Pasalamat ang aktres at hindi siya sinuspende at hindi inalis sa mga show kung saan siya kasama. Ang ginawa ng network, pinag-fine siya ng malaki ring halaga. Mabuti na lang at may pera ang aktres dahil may shows nga siya sa network na hindi niya nirespeto.

Hindi nagtanim ng galit ang network at patuloy pa ring binibigyan ng project ang aktres. Sana maging aral sa kanya ‘yun na hangga’t may kontrata pa siya, respetuhin at i-honor niya. Saka na niya gustuhing lumipat ng ibang network kung nag-expire na ang kontrata niya.

Rhian binuko ang bagong dyowa nung Undas

Kung hindi pa dahil Halloween, hindi pa malalaman na isang foreigner ang bagong boyfriend ni Rhian Ramos na nagngangalang Amit Borsak na ayon sa Twitter handle nito ay mula sa California.

Pinost ni Rhian ang photo nila ng BF na naka-costume noong Halloween, wala siyang binanggit na pangalan ng guy. Ang followers na ni Rhian ang nagsabing BF niya ang guy at sila na rin ang nagbanggit ng pangalan nito.

Nalaman din na BF ni Rhian ang guy dahil tinukso sila ni Ruffa Gutierrez at tinawag na love birds. Sabi naman ni Lovi Poe, “Ayyyy ayyy.”

So, mali pala ang tsikang politician ang new BF ni Rhian dahil inilabas niya ang foreigner BF. Matagal na rin ang last relationship ni Rhian sa isang car racer na in fairness all, mabilis niyang inilantad.

Speaking of Rhian, malapit na siyang muling mapanood sa teleserye dahil malapit na ang airing ng primetime teleserye na Love of My Life. Reunion nila ito ni Carla Abellana na nakasama ni Rhian sa My Destiny. Kasama rin sina Mkael Daez at Ms. Coney Reyes at may special participation si Tom Rodriguez. Si Don Michael Perez ang director ng teleserye.

Jak at Barbie hindi lantad ang ginagawa

Narinig namin ang sagot ni Jak Roberto na two years and a half na ang relationship nila ni Barbie Forteza nang tanungin ng ibang press people sa presscon ng 24th anniversary  ng Bubble Gang. Nag-agree si Jak na hindi nababalita  ‘pag nag-aaway o kung nagkakaselosan sila ni Barbie dahil ayaw nilang pati ‘yun ay malaman ng public.

Maganda ang ginagawang ito nina Jak at Barbie dahil hindi masyadong napakikialaman ng fans ang kanilang relasyon na dapat sigurong tularan sila ng ibang showbiz couple na bawat kilos na lang, naka-post. Sina Jak at Barbie, kailangan pang pakiusapan ng fans na mag-post ng photos para malaman kung ano ang bago sa kanila.

Anyway, nagpasalamat si Jak na parte siya ng Bubble Gang at honored siya na makatrabaho si Michael V. na hanggang ngayon, starstruck pa rin siya. Thankful din siya na tinuturuan siya nito sa tamang bitaw ng punchline at kung paano maging nakakatawa ang comedy na gagawin.

Isa rin siya sa cast ng Bubble Gang na binibigyan ng priority ang taping days nila na every Monday. Ipinagpapasalamat din ni Jak ang closeness ng cast, walang mas sikat sa kanila at pantay-pantay ang bigayan ng role sa mga sketch.

Sa two-part superhero telemovie special ng Bubble Gang na The ScAvengers na airing sa November 15 and 22, kasama si Jak bilang isa sa kakampi ni Allan Peter Kuya Thanos (Michael V). Sina Bert de Leon at Rico Gutierrez ang director ng special.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with