^

PSN Showbiz

Marjorie sumagot sa isyung pananapak sa kanilang ‘Inday’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marjorie sumagot sa isyung pananapak sa kanilang �Inday�

Kumuha ng video kakasuhan?

Pinalagpas lang ng Barretto sisters ang Undas, muli na naman silang nag-ingay.

Ito yung ipinost ni Claudine Barretto na video sa may hallway ng isang hospital na parang sa St. Luke’s Global na kung saan doon nakaratay ang Daddy nilang si Miguel Barretto.

Narinig ang boses ni Marjorie na may sinasabi siyang napaka-dramatic ni Inday, baka masapak niya.

Ginamit ni Claudine ang video na iyun para kuwestiyunin kung isa nga bang ‘good daughter’ ang ate Marjorie niya.

Sabi niya sa isang post niya kahapon na kung saan ikinabit niya roon ang interview ni Karen Davila kay Marjorie na nagpapaliwanag kung bakit wala si Mommy nila sa pa-birthday niya sa kanyang ama.

Sabi sa caption niya sa post na iyun: “My heart breaks for my Mom. Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time. Earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times. Now that my Dad is not around I promise on my father’s grave that this will never happen again.”

Doon na rin niya idinetalye kung ano ang nangyari doon sa hallway ng hospital na kung saan nagkaroon daw nang pagtatalo sa Mommy niya at kay Marjorie tungkol sa 500 thousand pesos na contribution ni Julia Barretto sa hospital bill, kapalit daw ang bahay nila sa Subic.

Doon daw nasabi ni Marjorie ang katagang ‘baka masapak ko’ ang kanilang Mommy.

Kaya ang daming nangulit kay Marjorie para sagutin itong lumabas na video.

Ayaw na raw sana niyang patulan pa ito, pero napilitan na siyang magbigay ng pahayag bilang sagot dito.

Sabi niya sa kanyang statement na ipinadala sa pep.ph; “I don’t refer to My Mom as ‘Inday.’ We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

“Let this be known to all that My Mom and I are on good terms. There are far more important matters happening in this country like earthquakes. Enough of the Barretto family problems. I don’t want to take part anymore in their dirty tricks, tactics, and cyberbullying.

“In the meantime, I hope those who took those videos and continue to spread them online are aware of Republic Act 4200. Ayon po sa batas, it is clearly illegal to record someone (audio and video) without their consent. Siguro po dapat kumuha muna sila ng magaling na legal advice bago nila inilalabas ito maliciously and out of its real context.”

Ayaw naman daw sabihin ni Marjorie kung sino itong ‘Inday” na tinutukoy niya.

Kahit ano pang labasan nang baho at paliwanagan, hindi na maaalis sa isip ng mga tao kung paano magturingan ang mga magkakapatid na ito sa isa’t-isa.

Naging paboritong paksa na lang sila sa mga usap-usapan, pero may kakabit na sinasabi ng karamihang hindi dapat pamarisan.

Sexy star nag-iinarte pa sa alok na kasal ng negosyanteng mayaman

Sobrang saya na ng dating sexy star sa piling ng karelasyon niyang mayaman at maimpluwensyang negos­yante.

Ilang negosyo na ang naitayo, may dala­wa ng malaking bahay kaya hindi na niya kailangang maghirap sa puyatang taping at maghintay ng iba pang raket para kumita.

Puwede na siyang magpakasal sa karelasyong negosyante dahil niyaya na rin siya.

Pero ayaw pa niya. Hindi ko lang alam kung wala siyang balak na malagay sa tahimik. Kuntento na siya sa naibigay na kariwasaan sa piling ng mayamang karelasyon.

Wala nang sabit itong si mayamang negosyante, kaya puwedeng-puwede na talaga. Pero itong si dating sexy star pa ang nag-iinarte.

Ang problema lang nito, baka mamaya matukso si mayamang negosyante sa ibang babaeng naglalandi, bigla siyang layasan nito.

Nakahanda kaya siyang mawalan ng dyowa at mawalan ng regular na sustento?

May mga naipundar na kasi siyang ne­gosyo at puwede na siyang buhayin nito.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with