^

PSN Showbiz

Billy nag-iba ang hitsura

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Billy nag-iba ang hitsura
Billy

SEEN: Ang #BarbaraReimagined ang comeback project ni Natalie Hart matapos na isilang nito noong Jan­uary 2019 ang kanyang anak na si Penelope. Ang #BarbaraReima­gined ang remake ng horror movie na Patayin sa Sindak si Barbara na mapapanood sa iWant. Co-stars ni Natalie sa #BarbaraReimagined sina JC de Vera at Mariel de Leon. Sina Susan Roces, Dante Rivero at Rosanna Ortiz ang mga artista ng 1974 movie na may original title na Patayin Mo sa Sindak si Barbara samantalang sina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez at Dawn Zulueta ang mga bida sa 1995 remake na may pamagat na Patayin sa Sindak si Barbara.

SCENE: Si Lovi Poe ang lead actress ng The Annulment ng Regal Entertainment Inc. at siya rin ang kumanta ng ‘Di Lang Ikaw, ang original theme song ng drama/sexy movie na pinagbibidahan nila ni Joem Bascon.

SEEN: Marami ang nanibago kay Billy Crawford sa participation nito kahapon sa ASAP ng ABS-CBN dahil bukod sa kumapal ang kanyang buhok, bago rin ang hairstyle niya.

SCENE: Nag-alay ng panalangin at dasal ang mga host at mainstay ng ASAP para sa mga Pilipino sa Mindanao na biktima ng malalakas na lindol. Ang You Are Not Alone ni Michael Jackson ang inawit ng ASAP hosts and mainstays.

SEEN: Kapag na-promote nang husto, potential hit ang Isang Gabi, ang bagong single ni Julie Anne San Jose na inawit niya kahapon sa Sunday Pinasaya. Malakas ang recall ng melody ng Isang Gabi na puwedeng theme song sa series ng GMA 7.

SCENE: Naging questionable ang credibility at image ni Marjorie Barretto bilang good daughter dahil sa video na inilabas ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto. Mapapanood at maririnig sa shared video ang pagsasalita ni Marjorie na gusto nitong sapakin ang isang Inday dahil sa mga drama nito. Pinaniniwalaan na ang kanilang nanay na si Inday ang tinutukoy ni Marjorie sa video.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with