^

PSN Showbiz

Magiging anak ni Baron sa Hebrew galing ang pangalan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Magiging anak ni Baron sa Hebrew galing ang pangalan
Baron

Sa February, 2020 na ipa­nganganak ng asawa ni Baron Geisler na si Jamie ang kanilang panganay. Babae ang magi­ging unang anak ng aktor at papangalanan daw nila ang bata na Talitha Cumi. “It’s when Jesus Christ resurrected this young girl and Jesus said, ‘Young girl, arise’ or ‘Little girl, arise.’ In Hebrew, Talitha Cumi,” pagbabahagi ni Baron.

Pagkatapos mawala sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay isang pelikula naman ang nakatakdang gawin ng aktor. Magbibida si Baron sa Tililing na ipalalabas sa mga sinehan sa susunod na taon.

“Para makaipon at ma-sustain lang ‘yung income. Hindi ko naman alam na lead role ako rito or part ako ng lead or juicy character. Basta sabi Tililing, two days (shooting). ‘Pag sinabing two days, parang one of the extras, parang gano’n. Pero feeling ko mae-extend, kasi ‘yung iba one day but may isang day na pang-buffer. I’m praying na ma­dagdagan,” nakangiting pahayag ng aktor.

Malaki ang pasasalamat ni Baron sa pamunuan ng Viva Films dahil sa pagtitiwalang muli para sa bagong pelikula.

“I want to thank Boss Vic (del Rosario), everybody, to work again. Kasi ang dami nilang movies eh. I believe if I put my best foot forward here and if they see na he’s okay then there are other opportunities and movies. I don’t want to, parang overdo it too much but I’ll really do my best para mapansin ako nina Boss Vic,” paglalahad niya.

Marco aminadong kailangan ng loveteam para sumikat

May ilang mga nagsasabi na si Marco Gallo umano ang susunod sa mga yapak ni James Reid.

Ayon naman sa dating Pinoy Big Brother housemate ay mas mabuti nang hindi sila pinagkukumparang dalawa ni James. “I think no one could be him again. I just wish I could prove myself na lang by my own work, creating my own name step by step. Paghihirapan ko naman po ‘yon,” giit ni Marco.

“Sana ay maintindihan nila na mahirap maabot ang na-achieve ni James at sobrang hirap. Malayung-malayo pa ‘yon, kung susuwertehin, sana magustuhan ng tao ‘yung gaga­wing proyekto ko. Willing po kami to work on my craft and I’m already doing a lot of workshops now,” dagdag pa niya.

Matatandaang si Kisses Delavin ang huling nakatambal ni Marco noon. Gusto raw muli ng binata na magkaroon ng bagong katambal kung mabibigyan ng pagkakataon.

“There’s a saying that two heads are better than one and having the chance of working with someone you get close to then even if hindi kayo maging jowa. But having someone close to your heart that’s a good thing. I mean, no man is an island. Look at Maymay (Entrata) and Edward (Barber), every star in the Philippines became famous because of it,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

 

vuukle comment

BARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with