^

PSN Showbiz

‘Di alam ang move on, aktres laging may hanash sa mga ex!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang siguro nararamdaman ng isang kilalang female personality pero nadidikitan na ng hindi kagandahang imahe ang kanyang pangalan. Negang-nega ang paglalarawan sa kanya ngayon.

Pinuputungan pa siya ng korona ngayon bilang junior ng isang pamosong female personality na pagkatapos makipag­relasyon ay negang-nega ang nagiging dating ng lalaki sa kanyang mga kuwento.

Sabi ng aming source, “Hindi siguro siya aware na palagi siyang topic sa mga umpukan ngayon dahil sa kakaiba niyang image. Palagi kasi siyang bitter pagkatapos niyang makipagrelasyon.

“Nakakaawa ang mga lalaking nali-link sa kanya, palaging nagiging masama, dahil sa dami ng mga hanash niya! Parang wala sa vocabulary niya ang pagmu-move-on!

“Kitang-kita tuloy na hindi siya maligaya, puro pangit ang nakikita niya sa mundo, walang naging mabuting karelasyon para sa kanya. Lahat, dinadaot niya, lahat na lang, ipinagbabanduhan niya sa buong mundo!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Masuwerte pa rin ang female personality dahil ang mga natatapatan niyang karelasyon ay puro marespeto, hindi pumapatol sa kanyang mga patutsada, pinababayaan na lang siya at pinagpapasensiyahan.

Isang source naman ang nagkomento, “Huwag siyang masyadong magpakakumportble, isang araw, e, may matatapatan din siyang lalaking maginoo pero maglalantad ng mga kalokahan niya!

“Huwag siyang mawili, may siguradong makakatapat din ang babaeng ‘yan! Huwag niyang gawing tanga ang lahat ng mga nakakarelasyon niya, huwag niyang nilalaro ang pakikipagrelasyon, dahil may makikilala rin siyang magtatakip ng bibig niya sa kadaldalan!

“Kaya siya ganyan, e. Hindi kasi siya maligaya, galit na galit siya kapag nakakapag-move-on na ang ex niya! Lahat ng nakarelasyon niya, may masasayang buhay na ngayon, pero siya?

“Ayan pa rin siya, parinig nang parinig, patutsada nang patutsada, porke happy na ang mga ex niya! Sino pa ang papatol sa kanya nang seryosohan kung ganyan ang ugali niya?

“At hindi na siya bumabata, ha? Napapansin na ang pagkakaedad niya, huwag niya ring pabayaan ang katawan niya dahil dumodoble na ang timbang niya!

“Kesa sa dila niya ang gumagana palagi, e, i-exercise niya na lang ang panahong meron siya, magiging malaking tulong sa kanya ‘yun, para hindi siya magmistulang balyena!

“Naku, ang ganda-ganda pa naman ng name niya, pero hindi naman bagay sa mga pinaggagagawa niya! Sayang siya, sayang na sayang, maganda pa naman siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Gift ni Alden mabilis ang mga pangyayari

Mabilis ang pacing ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Hindi ‘yun parang lastikong hinihila nang hinihila ang mga tagpo para lang tumagal sa ere.

Hindi rin nakaiinip panoorin ang serye, tututukan mo talaga, dahil isang episode lang ang makalampas sa iyo ay napakalaki na ng na-miss mo sa kuwento.

Malapit sa puso ng publiko ang The Gift dahil ang daloy ng istorya nito ay tungkol sa isang batang lumaki sa piling ng iba, masaya siya sa pagmamahal na ibinibigay ng mga nag-ampon sa kanya, pero hinahanap niya pa rin ang kanyang ugat.

Napakalaki na ng ihinusay sa pag-arte ng Pambansang Bae. Kuhang-kuha na ni Alden ang mga kailangang gawin para maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

Hindi biro ang gumanap na bulag, maselan ang ganu’ng role, lalo na ngayong mga panahong ito na ultimo mga doktor at huwes ay nagso-social media na rin sa pagpansin sa mga istorya ng seryeng hindi makatotohanan.

Pinagsunugan ng kilay ni Alden ang role ni Joseph, ang bulag na nakakakita ng kinabukasan at mga mang­yayari sa pamamagitan ng panaginip, kapana-panabik na ang mga kasunod pang eksena ng pagtatagpo nila ng kanyang tunay na inang si Jean Garcia.

Mabilis ang mga eksena, nagkalihis lang sina Alden at Jean, pero pasasaan ba’t magkikita na rin at lalantad ang rebelasyon ng kanilang pagiging tunay na mag-ina.

“Napakaguwapong bulag! Walang maling anggulo si Alden Richards!” palaging papuri ng kaibigan naming si Liza sa Pambansang Bae.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with