^

PSN Showbiz

Baron nagpasalamat kay Piolo

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Baron nagpasalamat kay Piolo
Baron

SEEN: Si Piolo Pascual ang pinasasalamatan ni Baron Geisler dahil siya ang tumulong sa embattled actor na magbalik-loob sa Panginoong Diyos. Malaki na ang ipinagbago ni Baron na seryoso na ngayon sa kanyang propesyon bilang artista. Grateful at thankful si Baron sa direktor na si Darryl Yap dahil ito ang may idea na magbida siya sa Tililing, ang pelikula ng Viva Films.

SCENE: Dalawang beses na dinakma ni Gina Pareño ang private part ni Baron Geisler sa story conference ng Tililing noong Miyerkules. Naalaala ni Gina na hinipuan siya ni Baron nang magkasama sila noon sa isang project. Nagalit si Gina nang hipuin ni Baron ang kanyang dibdib kaya biglang ganti, dinakma rin niya ang maselan na bahagi ng katawan ng aktor. Tila hindi na matandaan ni Baron ang paratang sa kanya ni Gina. Nagsalita na lang si Baron na nagbibiro lamang ang veteran actress na co-star niya sa Tililing pero nanindigan si Gina na totoo ang kanyang kuwento.

SEEN: Kasama ni Baron Geisler sa story conference ng Tililing ang kanyang misis na si Jamie Evangelista na buntis sa kanilang first baby girl na isisilang sa January 2020. Co-stars nina Gina  at Baron sa pelikula sina Donnalyn Bartolome, Candy Pangilinan, Chad Kinis, Rez Cortez at Yumi Lacsamana. May nakaraan sina Baron at Cai Cortez dahil sila ang dating magkarelasyon. Buntis si Cai sa second baby nila ng kanyang asawa na si Wissem Rkhami at sa December 2019 ang due date niya.

SCENE: Hit sa netizens ang video ng house tour ni Mary Pacquiao, ang panganay na anak na babae nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao. Fluent sa American language ang lahat ng mga anak ng mag-asawa na nag-aaral sa international school.

SEEN: Ang SM Megamall Cinema 1 ang venue ng red carpet premiere ng Nuuk sa Lunes, November 4, 7 pm. Sina Aga Muhlach at Alice Dixson ang lead stars ng Nuuk sa direksyon ni Veronica Velasco.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with