^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad mas lumiligaya pag ‘pinanonood’ ang karelasyon sa iba!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay natutukan ang paksa tungkol sa fetish. Iba-iba ang fetish ng bawat isa sa atin.

May taong tumitingin sa kuko ng kanyang kapwa, kapag marumi ‘yun, bawas na ang pagkagusto niya sa taong hindi marunong mag-alaga ng katawan.

Meron namang ngipin ang barometro, ‘yun ang kanyang fetish, gustung-gusto niya ang buung-buo at malinis na ngipin.

May mga lalaking hindi man kagandahan ang babae basta mahaba at malusog ang buhok ay may nararamdamang kakaiba. Malakas ang hatak sa kanya nu’n, ‘yun ang kanyang fetish, ayaw niya sa mga babaeng maigsi ang buhok.

Kuwento ng isang source, “At may tao ring hindi doer, more on voyeur siya, ‘yun ang fetish niya. Kahit meron pa siyang karelasyon, mas gusto niyang nanonood lang. Du’n siya mas nakakaramdam ng init ng libido niya.

“May kilala kaming guy na ganu’n ang source of happiness. Basta nanonood lang siya, hindi siya ang gumagawa, heaven para sa kanya ang ganu’n.

“Weird, pero totoo ‘yun! Pinatunayan na ‘yun nang maraming beses ng mga nakarelasyon niya. Pumapayag siyang may ibang karelasyon ang girlfriend niya.

“Hindi nga siya maintindihan ng mga friends niya, kung sa kanila raw mangyayari na may ibang lalaki ang karelsayon nila, e, siguradong tapos na ang giyera!

“Kani-kanyang buhay na sila! Pero para du’n sa guy, e, wala siyang pakialam sa sinasabi ng buong mundo, basta ang fetish niya, e, ang mag-watch lang, hindi siya ang gumagawa.

“Ang happiness para sa kanya, e, ang makita ang girlfriend niya na may kalambutsingang ibang lalaki, ‘yun ang height ng kaligayahan para sa kanya,” kuwento ng aming impormante.

Isa lang ang naging reaksiyon ng lahat sa umpukan, isang-isa lang—kaya naman pala.

Ubos!

Julia hindi pinag-ingay ang tulong sa lolo

Kahit pa tumawid-dagat na ang iskandalong nilikha ng magkakapatid na Barretto sa ibang bansa ay ramdam ng buong bayan ang unti-unting paglamig ng kuwento.

Nagbatuhan na ng kani-kanyang baho sa publiko ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine, humalo pa sa isyu ang kanilang pamangking si Nicole, at naging man of the hour pa nga si Atong Ang.

Pero walang iskandalong nabubuhay nang ha­bampanahon. Mag-iiwan lang sila ng hindi magandang imahe at tatak sa publiko pero kukupas din ang ingay hanggang sa manahimik na ang kanilang mundo.

Sa kanilang lahat ay si Julia Barretto ang napuruhan nang walang kalaban-laban. Ipininta nang pagkaitim-itim ang imahe ng magandang actress.

Siya na ang pinakabastos na teenager, siya na ang pinakawalang utang na loob, siya na ang pinakawalanghiya sa lahat.

Pero isang source ang nagkuwento na sa lahat ng mga Barretto ay si Julia ang may pinakamagandang puso. Kuwento ito sa St. Luke’s-Global nang pumanaw na si Mr. Miguel Barretto.

Kuwento ng source, “Hindi pa kumpleto ang pambayad nila ng hospital bill, pero dumating na ang representative ng Heritage. Hindi puwedeng i-release ang body, hindi rin sila makakakuha ng death certificate hanggang hindi nila naiaayos ang hospital bill.

“Humahagulgol si Julia nu’ng makita na niya ang mga taga-Heritage, iyak siya nang iyak, kinausap niya ang mommy niya. Ayaw niyang ilagay muna sa freezer ang lolo niya, ‘yun ang isinisigaw niya!

“So, nu’ng sinabi ni Julia na please do everything kay Marjorie, nu’n pa lang naiayos ang problema. Lahat ng kulang, siya ang nagpuno, siya ang nagbigay.

“Bakit hindi ‘yun lumalabas? Bakit iba ang mga kuwentong kumakalat? Alam ba nila na nu’ng nakapagsasalita pa si Daddy Mike, e, palagi siyang nagpapasalamat kay Julia?

“Palaging thank you ang sinasabi niya, dahil kahit nu’ng unang confinement ng lolo niya, e, siya rin ang mag-isang nag-shoulder ng hospital bill!

“Maraming nakakaalam ng kuwento sa St. Luke’s, du’n kayo magtanong kung sino ang umayos ng lahat para lang huwag mailagay sa freezer for at ime ang body ni Mr. Barretto,” malumanay na kuwento ng aming source.

Wala namang kuwentong hindi lumalabas. Sa bandang huli ay ang katotohanan pa rin ang lulutang. Hindi nagsasalita ang katotohanan pero nangangagat ng kunsensiya.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with