^

PSN Showbiz

'Tawag ng Tanghalan' winner Janine Berdin may Cushing's syndrome

James Relativo - Philstar.com
'Tawag ng Tanghalan' winner Janine Berdin may Cushing's syndrome
Ito raw ang dahilan kung bakit ilang linggo na siyang inactive mula sa "It's Showtime" at "ASAP."
Instagram/Janine Berdin

MANILA, Philippines — Sa kanyang Instagram account, ibinukas sa publiko ni "Tawag ng Tanghalan" Season 2 Grand Winner ang iniindang karamdaman, na nagmula sa paggamit ng gamot para sa iba pang sakit.

"Early September, nalaman po namin na may vocal nodules po ako, kaya kinailangan ko pong maging exposed sa cortisol o steroids para gumaling ito," wika niya sa kanyang fans noong Martes.

"Dahil po sa [ganitong] exposure ng cortisol, [nagkaroon] po ako ng Cushing's Syndrome and am currently being treated for it."

Ito raw ang dahilan kung bakit ilang linggo na siyang inactive mula sa "It's Showtime" at "ASAP."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

 

Ang dinadanas niya raw na sakit ang rason kung bakit namamaga ang kanyang mukha.

Pero sa kabila ng pinagdadaanan, nakuha pang magbiro ng mang-aawit: "[H]indi po ako nagparetoke at alam ko po na hawig ko na tuloy si Chuckie," na isang pamosong horror character sa pelikula.

At least daw, hindi na raw siya "mukhang undin."

Dagdag pa niya, sumalli siya sa "Tawag ng Tanghalan" para makapag-inspire ng iba gamit ang kanta, kung kaya't mas pinahahalagahan niya ang kanyang boses.

"If my voice will be compromised, mas masakit 'yung for me. Mas masakit 'yun kesa sa mga masasakit na salita niyo dahil hindi kayo nagagandahan sa 'kin or natatabaan kayo sa mukha ko," dagdag niya.

Sana raw ay mapatawad siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura, pero hindi raw siya mapipigilan nito: "[Y]ou can unfollow me, but I will still sing. And I will never stop singing."

Nagawa pa ni Janine na pasalamatan ang kanyang mga bashers dahil isa raw sila sa mga dahilan kung bakit sinisipagan nilang magpagaling, na kanyang sinabayan ng pagtawa.

"Miss ko na pong kumanta, kaya see you all soon!"

vuukle comment

ASAP

CUSHING'S SYNDROME

IT'S SHOWTIME

JANINE BERDIN

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with