^

PSN Showbiz

Carla at Tom magkasama uli sa serye!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Carla at Tom magkasama uli sa serye!
Carla Abellana, Tom Rodriguez

SEEN: Ang pictorial nina Rhian Ramos, Mikael Daez, Carla Abellana, Tom Rodriguez at Coney Reyes noong Biyernes para sa Love of My Life, ang upcoming primetime drama series ng GMA 7.  Ang I Heart Davao noong 2017 ang huling teleserye nina Carla at Tom.

SCENE: R13 ang classification ng MTRCB sa Hellcome Home, ang supernatural horror movie ng Star Cine­ma na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Beauty Gonzales, Alyssa Muhlach at Raymond Bagatsing. Bayolente at madudugo ang mga eksena ng Hellcome Home na magbubukas sa mga sinehan sa October 30, 2019.

SEEN: Suspense thriller ang Adan, ang sexy laun­ching movie nina Cindy Miranda at Rhen Escano na sa November 20 ang playdate. Itinuturing ni Cindy na pinaka-daring na pelikula niya ito dahil sa mga love scene na ginawa nila ni Rhen. Tomboy ang role ni Cindy.

SCENE: Mapangahas ang newcomer na si Rhen Escano na mapapanood din sa Untrue, ang pelikula nina Cristine Reyes at Xian Lim. Pumayag si Rhen na magkaroon ng topless scene sa pelikula.

SEEN: Matagal nang usap-usapan na bipolar ang aktor na matagal nang hindi aktibo sa showbiz pero napapanatili ang kanyang magarbo na lifestyle. Lumitaw ang unpredictable behavior ng aktor sa guesting nito sa isang television show. Maraming beses na nakunan ng mga camera ang pagbabago ng anyo ng aktor, mula sa pagiging masayahin, biglang tumatalim ang mga mata niya dahil parang hindi siya masaya at komportable sa kanyang ginagawa.

SCENE: Ang balita na may posibilidad na ma-dethrone si Samantha Lo bilang Bb. Pilipinas Grand International dahil walang katotohanan ang mabibigat na paratang niya laban sa Bb. Pilipinas Charities Inc., ang orga­nizer ng Bb. Pilipinas. Marami ang nag-aabang sa pagbabalik ni Samantha sa Pilipinas galing Venezuela.

SCENE: Si Nellys Pimentel ng Puerto Rico ang hinirang na Miss Earth 2019 sa ginanap na coronation night sa Cove Manila ng Okada noong Sabado.  Nabigo ang Philippine bet na si Janelle Tee na magkaroon ng puwesto pero kabilang siya sa Top 20.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with