^

PSN Showbiz

Barretto saga, pinalala misteryo ni Atong Ang, naglaho na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Barretto saga, pinalala misteryo ni Atong Ang, naglaho na!
Atong Ang

It’s no longer dirt, it’s trash. Sobra na ang nangyayaring laundry cleaning in public. Damay-damay na, openly trashing each other in public.

Kung ako ang publicist ni Atong Ang I will never allow him to speak in public, answering what we can call ‘girlie things’ between family members.

The more Atong Ang opens his mouth, lalo pang nadidiin ang mga isyu na sana ay maki-clear na.

Kung sinuman ang nag-upload ng litrato showing them sa plane na holding hands at nakahilig sa dibdib niya si Gretchen ay nainis na at ipinakita na ang very ‘revealing’ shot.

Kahit ano ang paliwanag na gawin ni Atong, best friends don’t act that way. Kung nanatili lang na tahimik si Atong, siguradong hanggang ngayon, misteryo pa rin siya sa public.

Saka a real gentleman will not say the word ‘kabit’.

Hay naku, sabi ko nga, hindi na ito dumi, basura na. Every day it’s getting uglier. STOP Barretto girls!

Pity your mom, how can she take these?

Mommy Inday with all her kids is I am sure feeling alone and sad. Mourning and facing this fiasco, wow, wooden heart ka talaga kapag kinaya mo.

Prayers for Mommy Inday, prayers.

In bad taste ang pagkakasabi ni Atong Ang na kabit si Marjorie Barretto. Marami ang naloka sa kanyang sinabi na  “Sa drama n’yo, sa away n’yo, wala akong pakialam diyan.

“Kung may dapat kang katakutan, I think ‘yung family ni Recom (Echiverri). Idineklara mong kabit ka, e. Dapat kang matakot, may mga anak ‘yon. Doon ka dapat matakot.”

May kinalaman ang mensahe ni Atong sa tell-all interview ni Karen Davila kay Marjorie noong nakaraang Martes.

Nagsalita si Marjorie na huwag siyang sasaktan ni Atong dahil sa kanyang mga ibinulgar na magkarelasyon sina Atong at Gretchen at ex-boyfriend ng kanilang pamangkin na si Nicole ang kontrobersyal na businessman.

Tumagal ng 18-minutes ang interview ni Karen kay Marjorie at umabot naman sa 12-minutes ang panayam ni Noli De Castro kay Atong noong Huwebes sa TV Patrol.

Dalawang beses na tinanong ni Noli si Atong kung talagang naging girlfriend nito si Nicole pero walang direct confirmation mula sa controversial businessman.

“Basta idine-deny ko si Claudine saka si Gretchen,” ang pralala ni Atong.

Nang tanungin tungkol sa reaksyon ni Tonyboy Cojuangco sa kaguluhan na nangyayari, “Wala! Alam naman niya lahat ng nangyayari. Alam niya lahat eh. Nagkikita kami, nagpupunta ako sa bahay niya. Kumakain kami lagi sa labas.”

Kahit hindi direktang inamin ni Atong na nagkaroon sila ni Nicole ng relasyon, naniniwala ang lahat na totoo ang mga sinabi ni Marjorie.

“May anak na siya (Nicole)  saka boyfriend. May asawa na ‘yan. Ayokong magsalita nang ganyan. Ang alam ko, maayos ‘yung boyfriend niya so nire­respeto ko ‘yung relationship niya ngayon kasi five years actually na hindi ko nakikita si Nicole. Nakita ko nga siya sa patay na lang,” ani Atong.

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with