^

PSN Showbiz

Gretchen wala na raw kakampi sabi ni Annabelle

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen wala na raw kakampi sabi ni Annabelle
Annabelle at Ruffa

MANILA, Philippines — At kung wala namang sagot sila Marjorie at Julia, hindi naman tinantanan si La Greta ng mag-inang Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez. Wala mang particular na pinatutungkulan, tuloy ang pagpo-post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa ‘family’ matapos nga siyang idawit at sabihang nakikisawsaw ni Gretchen sa comment niya sa Instagram post ni Julia the other day  na “freshhhhhh” na may kasamang tatlong star eyes emoji.

Feeling siguro ni Gretchen kinampihan ni Ruffy si Julia. Ini-screengrab niya at nilagyan ng comment na “sawsaw pa more Ruffy!! Take it take it” sa kanyang IG story.

As expected, mabilis ang pagtatanggol ni tita Annabelle Rama. “Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?” bahagi ng litanya niya pero burado na.

Si Ruffa naman ay sunud-sunod ang post tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF. #HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes,” post naman ni Ruffy na walang naka-particular pero alam kung kanino patama.

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!” reply naman ni tita Annabelle na kilalang laging palaban basta mga anak ang sangkot sa usapan.

‘Di pa dun natapos. Earlier today ay nag-post uli si Ruffa na may pa-hashtag na #Blessed #FamilyLove #HappyLife. Na sinundan niya ng : “Ang ina ang ilaw ng tahanan, gu­magabay sa mga anak, ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip.” In 7 days, my mom @annabelleramaig celebrates her birthday. Today I would like to honor her and say that i am proud to be Annabelle’s daughter. A fiercely loyal wife, mother and friend. Thank you for all that you do for our family. Nag-iisa ka. #AnnabellesDaughter #motherhood #familylove.”

Kilalang away-bati ang relasyon ng mag-nanay pero laging silang magkakampi pag may nakalaban ang kanilang pamilya.

Pero wait ‘di ba friends din naman sina Ruffa and Gretchen?

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with