^

PSN Showbiz

Angelica at Jolo tuloy na tuloy ang kasal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Angelica at Jolo tuloy na tuloy ang kasal!
Jolo Revilla

Tunay na anak na talaga ang turing ko kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil 6-years old pa lang siya, nagkakasama na kami.

Tuwang-tuwa ako dahil nang maging Lucky Me endorser sila ng kanyang nanay na si Lani Mercado, ineklay na ako ni Jolo.

Sinabi ni Jolo na bibigyan niya ako ng regalo dahil nakagawa siya ng television commercial.

Nakita ko ang paglaki ni Jolo, ang happy moments at sad chapter sa life niya. Nakita ko rin ang kanyang growth as a boy growing up to be a man.

I feel proud sa achievements niya sa politics at kapag nagsasalita siya nang matured na matured na.

Nang mapabalita na he was getting married, natakot ako dahil alam ko how deeply he gets involved with his emotions.

Gusto ko na makahanap siya ng isang babae na as strong and loyal like his mom, Lani, who will stay by his side and be there through ups and down.

Then, totoo nga, he is getting married na to Angelica Alita at realization knocked my heart. Siya na ba ang babae who will nurture him and be the wind beneath his wings?

Ito na ba ang perfect people chemistry that will make Jolo soar higher? Will she make him happy and stay with him forever? Sana nga.

Jolo is such a nice kind person. He’s so gene­rous with his love, sana nga tulad ng name niya na Angel, maging guardian angel siya sa buhay ni Jolo, my son, my love.

Best wishes to you Jolo, be happy.

Barretto serye parang tatalunin ang Probinsyano 

Wow as in wow ang mga pasabog ni Marjo­rie Barretto sa TV Patrol noong Martes. Diretso ang atake niya at unforgettable ang lines niya na ‘My children are not for sale,’ ‘Atong huwag mo ako saktan,’ ‘It was not for the money, it was love’ at marami pang iba.

Very articulate si Marjorie na nagawang sabihin ang mga bagay ng hindi mapi-feel na bombastic na ang dating, like that line na “She (Gretchen Barretto) accused our dad of molesting her.”

Ang daming cans of worms na nabuksan at kung titingnan natin, parang mahirap na talaga na maayos pa ang away ng Barretto sisters,  kahit iisang dugo ang nananalaytay sa katawan ng magkakapatid.

Divided na ang iisang dugo nila, hindi na puwedeng umandar sa iisang tubo, kanya-kanyang tubo na ang kanilang  dinadaanan.

Very pathetic na nangyayari ito sa isang pamilya na wala na yatang panahon na mag-grieve dahil ang pag-aaway ang hinarap nila.

This will be a long running teleserye na tatalo sa mahabang run ng Ang Probinsyano ni Coco Martin. Puwedeng makalimutan ang show ni Coco pero hindi sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto. Unforgettable talaga sila.

‘The truth will set you free’

Hindi na nangimi si Marjorie na aminin na anak ni former Mayor Recom Echiverri ang youngest daughter niya.

Actually, matagal nang alam ng lahat na may relasyon ang dalawa pero noong Martes lamang umamin ng diretsahan si Marjorie sa national television.

Ang feeling siguro ni Marjorie, the truth shall set her free dahil ang relasyon nila ni Echiverri ang madalas na panakot na ibubulgar ni Gretchen.

Ngayong si Marjorie na ang umamin sa national television tungkol sa relasyon nila ni Echiverri, nabawasan na ang bala ni Gretchen laban sa kanya.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with