^

PSN Showbiz

Kilalang aktor na ‘pinatay’ na sa serye, tuloy na ang pagpasok sa rehab!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit saan ay pinagpipistahan ang kuwento tungkol sa magkakapatid na nag-away-away mismo sa burol ng kanilang ama. Du’n nakatutok ang buong showbiz, kaya nakalusot ang ibang mga personalidad na merong kinapapaloobang istorya, nakalusot sila.

Ayaw aminin nu’n ng isang kilalang male personality na kailangan na niyang magpaalam sa isang matagumpay na serye dahil ipapasok uli siya sa rehabilitation center.

Wala raw katotohanan ‘yun, wala raw siyang ginagawang masama habang nasa set siya, kaya bakit siya kailangang patayin sa palabas?

Kuwento ng aming source, “Pero nakita n’yo naman ang nangyari, pinatay na siya sa palabas, wala na siya du’n ngayon. Nagdedenay siya nu’n, hindi raw totoo ‘yun, pero ayan na! Tigok na siya sa serye!” madiing sabi ng aming impormante.

Kumalat ang kuwento na habang nagtatrabaho ang male personality ay gumagawa pa rin siya ng hindi maganda. Nakarating diumano ‘yun sa pinaka-leader ng mga artista sa serye.

Kuwento uli ng aming impormante, “Palagi naman siyang ganu’n, nabubuhay siya sa puro pangako, pero hindi niya naman pinaninindigan ang mga sinasabi niya!

“Hindi na raw siya iinom habang nagtatrabaho siya, pero nakikita pa rin naman siya ng mga kasamahan niya na ganu’n pa rin ang ginagawa niya!

“Nakakaloka ang taong ‘yun! Hindi niya talaga kayang tayuan ang mga pangako niya! Palalabasin pa niyang nagsisinungaling lang ang mga nagsasabing papatayin na siya sa serye, pero anyare? E, pinatay na nga siya, di ba? So, sino ang nagsisinungaling ngayon?” madiing sabi ng aming source.

Sinisisi kuno ng pamilya ng kilalang male personality ang kanyang misis, ito raw ang dahilan kung bakit lumalakas ang loob ng aktor, isang akusasyon na itinanggi na ng kanyang partner.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Parang hindi naman totoo ‘yun! Parang sinisisi na lang nila ‘yung girl, kasi nga, e, hindi nila kayang suhetohin ang kapamilya nila!

“Bakit naman kukunsintihin ng girl ang husband niya, e, siya nga ang may alam tungkol sa hindi maiwas-iwasang bisyo ng mister niya?

“Ang totoo, e, matigas talaga ang ulo ng male personality na ‘yun, kung iipunin nga natin ang mga pangakong binitiwan niya nu’n na hindi na siya uli magbibisyo, e, baka nakarating na siya nang naglalakad lang sa ibang bansa!

“Naku, tantanan na niya tayo, siya ang kailangang magbago, hindi sapat ang mga tao sa paligid niya para siya magbago!” pagtatapos ng aming source na napapailing na lang sa sobrang pagkainis.

Ubos!

Statement ni Atong Ang ‘di pinaniniwalaan!

Maraming nagtataka-nagtatanong kung totoo bang nanggaling kay Atong Ang ang opisyal na pahayag na lumalabas na sa mga pahayagan at social media?

Sa pagkakakilala kasi ng mas nakararami sa milyonaryong negosyante ay hindi siya palasalita, man of few words ang kontrobersiyal na negos­yante, kaya nakapagtataka para sa marami ang mensaheng galing daw sa napapabalitang karelasyon ni Gretchen Barretto.

Ayon sa pahayag ay wala raw kinalaman si Gretchen sa naging relasyon nila ni Nicole. Magkasosyo raw sila nina Gretchen at Tony “Boy”Cojuangco sa casino (Okada) at sa sabong.

Kaibigan daw ni Gretchen ang kanyang misis na si Irish. Wala raw silang ugnayan ni Claudine Barretto, tinulungan lang daw niya ang aktres nang magkaroon ito ng problema, hanggang du’n lang.

Maraming nagtaas ng kilay sa opisyal na paha­yag, puro kasi pag-iwas kay Gretchen ang nilalaman nu’n, parang iniligtas ni Atong Ang si Gretchen sa mga isyung ibinabato laban sa kanya ni Marjorie Barretto.

Maraming kaibigan namin ang nakakakilala kay Irish, na legal na misis ni Atong Ang, pero hindi nila alam na kaibigan pala ito ni Gretchen.

Kuwestiyonable para sa mas nakararami ang pinalabas na pahayag ni Atong Ang, pakiramdam ng mga nakabasa ay parang minanduhan lang siya ng kung ano ang dapat niyang sabihin, para mailigtas sa kahihiyan si Gretchen Barretto.

Ang susunod namang inaabangang magsalita ng publiko ay si Mr. Tony “Boy” Cojuangco. Sabi ni Gretchen ay magsasalita rin daw ang ama ng kanyang anak na si Dominique.

Sabi ng mga nakakausap namin ay wala raw imposible kay Gretchen Barretto. Kung ano ang ibig ipakahulugan ng salitang ‘yun ay tanging ang aktres lang ang nakakaalam.

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with