^

PSN Showbiz

Vice nagpatutsada sa fitness coach

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Vice nagpatutsada sa fitness coach
Vice

SEEN: Ang paratang na nagsalita si Marjorie Barretto ng masakit laban sa entertainment writers na nagpunta sa burol ng kanyang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Park noong Huwebes. Mahirap paniwalaan ang balita dahil hindi ganoon ang pagkakakilala namin kay Marjorie pero mas makabubuti na linawin niya ang isyu para mawala ang tampo sa kanya ng entertainment press.

SCENE: “She is still a Baldivia in her birth certificate. And to set the record straight, she is in good terms with her father .I don’t see the relevance of your question or the connection to the issue happening now,” ang sagot ni Marjorie Barretto sa social media follower niya na nagtanong tungkol sa apel­yido na ginagamit ng kanyang anak na si Julia. Baldivia ang tunay na family name ni Dennis Padilla, ang ama ni Julia.

SEEN: Mapapanood si Dennis Padilla bilang confidante at tiyo ni Jeric Gonzales sa Magkaagaw  na mapapanood simula bukas, October 21. May special participation din si Dennis sa Unforgettable, ang dog movie ni Sarah Geronimo.

SCENE: Bukas nang gabi, October 21, ang red carpet premiere ng Unforgettable sa Cinema 1 ng SM Megamall. Bukod kay Sarah Geronimo, inaasahan na dadalo ang talented dog na si Milo. Cast member ng Unforgettable si Kim Molina na co-star ni Sarah sa Miss Granny. Ang Unforgettable ang kasunod ng Jowable, ang hit launching movie ni Kim na lumampas na sa P100 million mark ang box office gross.

SEEN: May mahalagang role sa Unforgettable si Gina Pareño bilang lola ni Jasmine, ang karakter na ginampanan ni Sarah. Puring-puri ni Gina si Sarah dahil isa ito sa mga pinakamabait at propesyonal na artista na nakatrabaho niya.

SCENE: Dadalo si Rico Blanco sa red carpet premiere ng Unforgettable dahil siya ang original singer at composer ng Ang Tangi Kong Pangarap, ang ginamit na theme song sa pelikula ni Sarah.

SEEN: “Unggoy” ang tukso kay Allan K. ng mga co-host niya sa Eat Bulaga at “unggoy” rin ang biro kay Jhong Hilario ng mga co-host nito sa It’s Showtime.

SCENE: “Pa-victim ang mga coach” ang sinabi kahapon ni Vice Ganda sa It’s Showtime. May kinalaman ang patutsada ni Vice Ganda sa fitness coach na si Miguel Lagman Chanco na nagbulgar na nakatanggap ito ng indecent proposal mula sa aktor na si Alex Diaz. Imbes na kampihan at makakuha ng simpatiya, nakatanggap si Miguel ng mga batikos mula sa mga tao dahil sa panghihiya na ginawa niya kay Alex Diaz sa social media. Si Chanco ang fitness coach ni Martin del Rosario.

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with