^

PSN Showbiz

Maxine iba na ang BF!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Maxine iba na ang BF!

SCENE: Dasal ang hiling sa lahat ni Bb. Pilipinas-International 2019 Bea Patricia Magtanong para sa kanyang nalalapit na laban sa Miss International 2019 na magaganap sa November 12 sa Tokyo, Japan. Si Bea Patricia ang special guest kahapon sa media launch ng Tara Sa Kawit, ang tourism project ni Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo. Pangunahin na layunin ni Mayor Aguinaldo na i-promote ang mga historical site at tourist spot sa Kawit.

SEEN: May iba nang karelasyon ang former beauty queen na si Maxine Medina at kinumpirma ito ng kanyang ex-boyfriend na si Marx Topacio. Pitong taon ang itinagal ng relasyon nina Maxine at Marx na humantong din sa hiwalayan.

SCENE: Ang mahusay na pagganap ni Gladys Reyes sa Madrasta ang isa sa mga inaabangan at pinag-uusapan sa afternoon drama series ng GMA 7.

SEEN: Hindi natuloy ang guesting kahapon ni Jackie Forster sa Eat Bulaga dahil sinamahan niya sa doktor ang kanyang anak na si Kobe Paras na nagkaroon ng shoulder injury sa basketball game noong Miyerkules. Umuwi ng Pilipinas si Jackie para suportahan ang lahat ng basketball games ni Kobe.

SCENE: Masaya sa set ng Miracle in Cell #7 dahil parang naglalaro lamang sila ni Aga Muhlach ang kuwento ng child actress na si Xia Vigor na gumaganap bilang anak ng aktor sa local adaptation ng hit Korean movie. Official entry ang Miracle in Cell # 7 sa 45th Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with