^

PSN Showbiz

Maricel at Nora naligwak sa MMFF Coco, Juday, Iza, Miles, pasok sa magic 8

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maricel at Nora naligwak sa MMFF Coco, Juday, Iza, Miles, pasok sa magic 8

In-announce na kahapon ang apat na pelikulang napili sa labin-limang finished films na isinumite sa Selection Committee ng Metro Manila Film Festival.

Pasok ang entry ni Coco Martin na Triple Trobol kasama sina Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas.

Sa trailer na ipinakita, parang mala-Ang Probinsyano, pero sabi ng ilang production staff, iba raw ang approach dito ni Coco na siya ring nagdirek ng pelikula. Nagulat nga raw sila na nagawa ni Coco ang ibang eksena na buong akala raw nila ay hindi nila magagawa.

Inaasahan din namin at gustung-gusto naming makapasok ang pelikula ni direk Brillante Mendoza na Mindanao.

Nang ipinakita ang trailer, gustung-gusto na namin at nakikita na talagang magaling si Judy Ann Santos dito.

Pasok din ang pelikulang Culion na historical ang genre na kung saan isa rin si Iza Calzado sa mga producers, kaya excited siya sa pelikulang ito na nakapasok sa MMFF 2019.

Ang ‘di namin inaasahang nakapasok ay ang Write About Love ng TBA Studio na romance ang genre. Bida rito sina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Ang sabi nila, maganda raw ang kuwento ng pelikula at sinasabi nilang mahihirapan itong lumaban sa box-office. Pero malay natin, baka pang-millennials ito at baka maging surprise din sa box-office.

Nakatsikahan namin sandali si Iza nang nakita raw niya ang trailer ng Min-danao, naloka na raw siya sa galing ni Judy Ann.

Hiningan namin siya ng reaksyon na baka sila ng inaanak niya sa kasal ang maglaban sa Best Actress.

“Sa mata pa lang, wala na eh. Saka ayoko na muna yan pag-usapan ang mga awards na yan.

“Iba na kasi ngayon dahil isa ako sa mga producer, dun na lang ako sa cash.

“Okay lang kung di magka-award, basta sa amin na ang cash. Basta kumita na yung amin,” bulalas ni Iza.

Bukod sa apat na pelikulang napili, in-announce na rin ang apat na script na nauna nang napili.

Ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Miracle at Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Bela Padilla at ang horror na Sunod ni Carmina Villaroel.

Marami ang nanghinayang sa di pagpasok ng entry ng Regal Entertainment na The Heiress ni Maricel Soriano.

Dumating pa rin doon sa announcement si Mother Lily Monteverde na alam na niyang di makapasok ang pelikula niya.

Okay lang daw kung ‘di makapasok, at nung nakita niya ang mga trailer ng mga pelikulang nakasali nagandahan naman siya.

Napag-usapan na rin doon ang pagkakaroon ng Summer Metro Manila Film Festival next year, pero sabi ni Mother Lily, iba raw talaga ang MMFF sa Pasko dahil may bonus at may pera raw ang mga tao.

Kagaya ng mga nakaraang MMFF, bubuksan ang naturang filmfest ng isang makulay na parada sa December 22 na gaganapin sa Taguig na host ngayong taon.

Sa December 27 ang awards night, pero hindi pa na-confirm kung sa Cultural Center of the Philippines gaganapin dahil kasabay na rin nang pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

Sheryl nadaya raw

Sa nakaraang mediacon ng Magkaagaw ay napag-usapan namin ni S­heryl Cruz ang pagpasok niya sa pulitika na hindi naman daw niya pinagsisihan ang pagtakbo bilang konsehal sa Maynila, kahit hindi naman siya pinalad.

“I don’t regret ever doing it because ang masa­sabi ko na-feel ko din naman yung love ng tao.

“Although, hindi tayo pinalad hindi ko naman sasabihin din na hindi talaga pumalo yung ratings for the duration of the entire political campaign.

“It’s just that nag-iba ang resulta lalo na pagkaiba na yung nagmanipula ng resulta,” pahayag ng aktres na parang nadaya siya sa sagot niyang iyun.

Nagsimula rin kasi sa pulitika ang gap nila ng pinsan niyang si Sen. Grace Poe at nagkatampuhan sila ng tiyahin niyang si Susan Roces. Okay din daw sa kanya kung makikipag-ayos siya kay Sen. Grace.

Ayaw na lang daw sana niyang idamay pa ang Tita Susan niya kung sakaling magkaayos sila ni Sen. Poe.

“We’re both adults,” pakli ni Sheryl.

Pero mas gusto na lang daw muna niyang mag-focus sa bagong programa niyang Magkaagaw na magsisimula na sa Lunes, October 21 pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with