^

PSN Showbiz

Aktres dagdag-gastos sa sinalihang programa!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaliw ako, Ateng Salve, sa kuwento tungkol sa isang aktres.

Kinuha raw itong mag-guest sa isang cooking show. Ang usapan, ipapasundo siya ng production. So may ipinadala raw na van sa lugar ni aktres. Pero nagulat daw ang mga taga-production dahil ang agang dumating ni aktres sa studio.

Hindi na pala hinintay ni aktres ang van na susundo sa kanya.

Ang ikinaloka raw nila, may kasamang make-up artist si aktres na kailangan daw bayaran ng production.

“Eh, wala namang usapan na kami ang magbabayad ng make-up artists niya dahil may production make-up na naka-assign for her,” sey ng staff ng show.

Ang ending, napamahal ang production budget dahil ‘yung van na pumunta sa lugar ni aktres ay nirentahan pa nila at napilitan tuloy sila na bayaran ang make-up artist na isinama ni aktres.

Well...

Nakalusot sa ama Isa Pa… nina Maine at Carlo nakakuha ng ‘A’

Ang bongga ng pelikulang Isa Pa With Feelings nina Maine Mendoza at Carlo Aquino dahil graded A sila ng CEB (Cinema Evaluation Board).

At least, like Alden Richards’ movie with Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye, naka-A rin sa CEB ang pelikula ni Maine with Carlo.

Ang bongga!

Bukas na ang showing ng pelikula nina Maine at Carlo at sisiguraduhin daw ng mga fan ng phenomenal star ng Eat Bulaga na magiging masigla ito sa takilya.

Magsisiguran daw sa mga sinehan ang nga fan ni Maine.

Ang AlDub fans sana, maging supportive rin sa pelikula ni Maine with Carlo, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with