^

PSN Showbiz

Maine hindi nadaig sa walang kurapan si Paolo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi naagaw ni Maine Mendoza ang record ni Paolo Ballesteros sa Bawal Kumurap, Nakakamatay ng Suwerte dahil kumurap agad ang mga mata niya sa game segment ng Eat Bulaga na live na napanood kahapon.

Mahirap mapantayan ang unofficial world record ni Paolo na isang oras, labimpitong minuto at tatlong segundo na hindi pagkurap.

SCENE: Utang Na Naman ang pamagat ng episode ngayong hapon ng Dear Uge, ang Sunday sa GMA-7. Featured guests sa Dear Uge sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Anjo Damiles at ang Starstruck 7 Avenger na si Pamela Prinster.

SEEN: Ang apo ni Elizabeth Ramsey na si Ana Ramsey ang nanalo kahapon sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions ng It’s Showtime. DJ si Ana sa isang FM station.

SCENE: Ngayong gabi ang opisyal na pagsisimula ng QCinema, ang international film festival ng Quezon City sa Cinema 5 ng Gateway Mall. Ang Untrue ang opening film ng 2019 QCine­ma. Lead actors ng Untrue sina Cristine Reyes at Xian Lim. Si Sigrid Andrea Bernardo ang direktor at ang Viva Films ang producer ng Untrue na kinunan sa Georgia.

SEEN: Ang kuwento ni Jeric Gonzales na si A­lice Dixson ang unang napabalita na makakapareha niya sa Magkaagaw, ang upcoming afternoon drama series ng GMA 7. Nagkaroon ng pagbabago sa plano dahil si Sheryl Cruz ang gumanap na lover ni Jeric sa May-December story.

SCENE: Ang panghihinayang sa komisyon na binabawas mula sa kanyang talent fees ang dahilan kaya umalis ang aktor sa talent management agency na nagpasikat at nagbigay sa kanya ng malalaking oportunidad sa showbiz.

 

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with