^

PSN Showbiz

Marcus tanggap na ang sweetness nina joshua at janella

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Marcus tanggap na ang sweetness nina joshua at janella
Janella Salvador

Mabuti pa si Marcus Patterson kahit hindi direkta ay inamin na may namamagitan na sa kanila ni Janella Salvador. Sinabi rin nito na nagkakilala na ang mga ama nila. Wala ring alinlangan ang ngayon ay nakapalit ni Elmo Magalona sa puso ni Janella na sabihin na pinagselosan  niya nung una ang pakikipagtambal ni Janella kay Joshua Garcia pero, sa kalaunan ay  na-realize niyang trabaho lamang ang ginagawa ng dalawa at tinanggap na ang pagiging sweet nila on screen.

Balita ring may namamagitan ding sweetness between Joshua and isa rin sa kasamahan nila ni Janella sa The Killer Bride na si Alexa Ilacad. Parehong single ang dalawa matapos ang kabanata nila with Nash Aguas for Alexa and Julia Barretto for Joshua.

Ballet productions ni lisa macuja hindi na rin mapapanood ng masa

Sad ang maraming kids dahil wala silang mapupuntahang Star City ngayong Kapaskuhan. Ang nasunog na lugar ang nagsilbing venue para sa maraming pamilya lalo na tuwing Christmas season. Dinarayo ang lugar for its rides, sales ng toys, RTWs, household items, and even food.

Pinaka-bentahe ng Star City  ay ang mababang singil nito sa mga pumupunta ron, affordable sa lahat at hindi mahabang ipunan ang kailangan para ma-afford na mag-bonding dito.

Idagdag mo pa ang magagandang palabas sa Aliw Theater na kung saan ay nagawang ilapit ni Lisa Macuja ang magagandang ballet productions niya sa masa. It will take time para makumpuni at ma-renovate ang lugar.

Kakailanganin din ng malaking halaga para isa­uli ang lugar sa dati nitong kaayusan.

Sana naman ay hindi totoo na nasunugan na ang Star City ay nananakawan pa rin sila. Marami pa rin talagang masasamang tao ang kasa-sama natin dito sa mundo. Tsk. Tsk. Tsk.

BoybandPH may katapat na

Akala ko K-pop sila, kinailangan ko pang magbabad sa programang Tonight with Boy Abunda para lamang malaman na Pinoy sila. Nag-trained under ShowBT, isang Korean entertainment company na may branch dito sa bansa, sa tulong ng isang Korean coach. Kaya nga pasado sila bilang K-pop with inspired Filipino lyrics. Sila sina Josh, Stell, Ken, Sejun at Justine ng grupong SB19. Apat na taon na silang nagsasanay at kung hindi pa sila nainip at iniisip na baka ang buong panahon nila ay maubos sa kapapraktis kung kaya lumantad na sila at mabilis namang tinanggap ng mga Pinoy fans.

Mayro’n na silang isang hit song, ang Go Up na nag-viral at mayro’n nang mahigit 2M views.

At the moment ay nagbibigay sila ng malaking banta/threat sa pinakasikat na BoybandPH nina Neil Murillo, Ford Valencia, Joao Constancia, Russel Reyes at Tristan Ramirez.

Kinakailangan na madalas makita ang pre­sence ng BoybandPH in order to keep up sa mabilis na ratsada ng SB19 na ang dance moves ay K-pop na K-pop. Tiyak sasamantalahin ng mga female Pinoy fans na kilalang possessive sa kanilang mga idolo ang pagiging single ng lima na bawal manligaw o magka-girlfriend.

Pero, may crush sila, sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Maris Racal, Coleen Garcia at Sharlene San Pedro. Fans nila si Inigo Pascual na gusto silang maka-collaborate at excited ang SB19 na magkaro’n ito agad ng realization.

Elisse may bagong manliligaw?!

Bakit, bigla, ay tropa na lamang sina Jameson Blake at Elisse Joson? Kung kailan tinanggap na ng supporters nila na more than friends sila at saka naman gumawa ng ganung anunsyo ni Elisse.

Nahirapan pa naman ang fans nila ni McCoy de Leon na tanggapin ang pagkakabuwag ng tandem at ang pagbaling ni Elisse kay Jameson na ka-Hashtags ng ex niyang si McCoy, tapos friends na lang daw sila? Si Jameson naman ba ang susunod na mabu-brokenhearted? May bago ba si Elisse?

Star Awards may delayed telecast 

Sayang at hindi ko mapapanood ng live ang Star Awards for TV bukas dahil may nakasabay itong isang mahalagang family event na hindi ko maaring palampasin.

First time ko ito na mag-absent sa isang Star Awards since its conception more than 30 years ago. Mami-miss kong umakyat ng stage para masamahan ang mga kapwa ko naging pangulo ng PMPC na mamigay ng mga special awards, citations and recognitions.

I’ll miss the production numbers of the TNT Boys, Idol Philippines’ Zephanie Dimaranan, The Voice Kids’ Elha Nympha at TNT’s Janine Berdin.

Sayang at wala rin si Kris Aquino. I would have wanted to see her once more. Buti na lang at may delayed telecast ang Star Awards for TV on October 30, sa ABS-CBN’s Sundays Best.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with