^

PSN Showbiz

Aktor idedemanda ng ex-live in!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Inireklamo ng isang lalake ang isang aktor na matagal nang nababalitang beki (pero never pa itong umaamin kahit obvious naman sa mga kilos niya) sa isang radio program dahil sa utang nito sa kanya na umabot na ng P500,000.

Ayon sa lalakeng nagrereklamo, ex-boyfriend siya ng aktor at nagpatung-patong na raw ang utang nito sa kanya noong nag-live in sila. Dahil negosyante ito, naging usapan daw nila ng aktor ay hati sila sa lahat ng gastusin sa bahay. Meron daw pinirmahan na kasunduan ang aktor sa naging arrangement nila kaya magagamit daw niya ito kapag nagsampa siya ng demanda rito.

Dahil hindi raw regular ang malaking kita ng aktor kaya sinasalo raw niya ito sa mga gastuhin na dapat hati sila tulad ng renta, groceries, utility bills at kung anu-ano pa.

Ang hindi raw nito nagugustuhan sa aktor ay ang pagiging gastador nito. Imbes daw na bayaran siya sa mga utang nito kapag nakakuha ito ng raket, uubusin daw nito sa kaka-shopping ng bagong sapatos, damit at gadgets.

Nang hindi na raw makayanan nito ang pagiging free loader na ng aktor, gumawa na ito ng paraan para kahit paano ay mabawasan ang utang ng aktor sa kanya.

Nataon na may raket daw sa malayong probinsya ang aktor at ilang araw itong mawawala. Ang ginawa ni ex-boyfriend ay inimpake na niya ang mga gamit ni aktor at dinala na niya ito sa bahay ng mother ng aktor.

Kinuha nito ang mga mamahaling gadgets at mga mamahaling rubber shoes na hindi pa nito nagagamit bilang pambayad sa ibang utang ng aktor.

Pinabago pa nito ang lock sa condo unit para hindi na magamit ni aktor ang mga susi nito.

Lumipad papuntang Amerika si ex-boyfriend at sa airport pa lang ay tinext niya ang aktor na break na sila at lahat ng gamit niya ay nasa bahay ng nanay niya. Pinadalhan niya ng kuwenta si aktor ng utang nito, minus na ang mga kinuha niyang gadgets at sapatos.

Binigay ni ex-boyfriend ang account number niya kunsaan niya dapat i-deposit ang utang nito na umabot na sa P500,000. Bibigyan daw niya ng one year ang aktor na hulug-hulugan ang utang niya.

Pero dumaan ang isang taon, walang hinulog ang aktor sa account ni ex-boyfriend. Kaya wala itong choice kundi isapubliko na niya ang ginawa ng aktor.

Imposible raw na hindi makabayad ang aktor dahil panay ang post nito sa social media accounts nito na may mga ginagawa siyang TV commercials, TV guestings at pelikula.

Advise ng radio host ay ituloy na niya ang demanda sa aktor para mapilitan itong magbayad. Kung may kasulatan naman daw na dapat ay hati sila sa lahat, magagamit niya ito sa kasong isasampa niya sa aktor na balasubas.

                           

 

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with