^

PSN Showbiz

Jameson na-friendzone Elisse ini-enjoy ang pagiging single!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jameson na-friendzone Elisse ini-enjoy ang pagiging single!

Kahit madalas lumabas na magkasama sina Elisse Joson at Jameson Blake ay hindi naman daw nangangahulugang opisyal nang magkasintahan ang dalawa. “Ngayon tropa kami talaga. Kasi naman dati, lumalabas kami. Hindi naman namin napag-usapan na dating or what. Pero totoo naman na nagparamdam siya noon. Ngayon kasi, parang friends talaga kami. ‘Pag kasi nakikita n’yo together, hindi naman ibig sabihin no’n merong something,” paglilinaw ni Elisse.

Ayon sa dalaga ay single pa rin siya hanggang ngayon matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni McCoy de Leon noong isang taon. “To be honest ngayon ko lang siya na-enjoy. Ang saya nang marami kang friends. Kung meron mang magparamdam kinikilala mo muna, tinitingnan mo kung compatible kayo, kung swak kayo, kung magwo-work kayo if ever magiging mag-jowa kayo,” nakangi­ting pahayag ng aktres.

Samantala, mamayang gabi ay magbibida si Elisse sa Maa­laala Mo Kaya kung saan ay nakatambal si Richard Gutierrez sa kauna-unahang pagkakataon. Masaya ang aktres dahil nakatrabaho niya ang isa sa mga tinitingalang leading men sa telebisyon. “Sobrang bait, sobrang friendly. Hindi siya mahirap katrabaho, hindi siya mahirap i-approach. Actually, siya ‘yung unang nakikipag-chikahan. Nag-uusap kami about work hanggang napunta na sa, ‘Ano ‘yung paborito mong pagkain?’ para maging kumportable kayo sa isa’t isa,” kwento niya.

Juday tanggap na mahihirapan na uling mabuntis

Masayang-masaya sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pagkakaroon ng tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna. Minsan ay naiisip umano ng young superstar na madagdagan pa ang mga supling. “At 41 (years old) naiisip ko naman. naiisip ko lang, period. Pero hindi pa naman namin naiisip gawin. Kasi as you age, marami nang kailangang i-factor in di ba,” bungad ni Judy Ann.

Tanggap din sa sarili ng aktres na posibleng mahirapan na ang katawan kung sakaling magdadalang-tao muli. “Siyempre hindi na gano’n kadaling magbuntis. Hindi na gano’n kadali kasi ‘yung energy mo, nag-iiba na. And ‘yung reality of raising a child at this day and age, it’s very different and very difficult. ‘Yung gastos, lahat eh,” giit niya.

Malaki ang pasasalamat ni Juday dahil nakikita nilang mag-asawa na lumalaking maayos ang tatlong anak. “When you see your kids growing up beautifully and napapalaki mo sila nang tama, parang gusto mo pang magdagdag nang magdagdag. And sakit lang talagang manganak. Pero kung pwede nga lang na hinuhugot mo na lang sa kili-kili ko ‘yang mga bata, okay lang di ba? Pero parang sa ngayon, okay naman kami sa tatlo, sapat na kami sa tatlo,” pagtatapos ng aktres.    (Reports from JCC)

 

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with