^

PSN Showbiz

Maja lucky charm ang turing sa BF!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja lucky charm ang turing sa BF!

Kababalik pa lamang ni Maja Salvador sa bansa. Matatandaang dumalo ang aktres noong isang linggo sa 2019 Asia Contents Awards sa Busan, South Korea kung saan nasungkit niya ang Best Actress award. Hindi raw inasahan ni Maja na tatangkilikin din sa ibang pa­nig ng mundo ang kanyang magaling na pagganap bilang si Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng Wildflower. “Sobrang laki po nito. In every project naman po na binibigay sa akin ng ABS-CBN, binibigay naman natin ang very best natin. Ako very proud ako sa lahat ng teleserye na ginawa ko, sa lahat ng project na ginawa ko but ‘yung Wildflower, something new na binigay ng ABS-CBN. Ang laki po talaga ng naitulong ng Wildflower sa career ko. And of course I’m thankful to ABS-CBN, to RSB (Ruel S. Bayani) unit,” nakangiting pahayag ni Maja.

Hindi makalilimutan ng aktres ang pagkakataong nakasalamuha ang ilang Asian superstars sa nasabing event. Hindi rin makapaniwala si Maja na makikita niya nang personal ang mga iniidolo lamang noon. “Ang ingay ko nga no’ng nakita ko ‘yung isa sa mga bida ng Kingdom sa Netflix. Sina direk rin natuwa dahil nakita nila ‘yung bida sa Naked Director. Basta marami po kaya mas gulat na gulat ako. Hindi ko in-expect na makakabingwit po tayo ng isang Best Actress (award) na gano’n kalaki,” kwento ng dalaga.

Kasama ni Maja ang nobyong si Rambo Nuñez na pumunta sa Korea. Itinuturing daw ng aktres na ang binata ang kanyang naging lucky charm. “Sabi ko nga ang swerte ko dahil ibang magbigay ng time ang boyfriend ko. Kitang-kita n’yo naman po siguro, parang itong time lang na ito ngayon lang ako na­ging very open about my love life. Kasi I’m really, really happy right now,” makahulugang pagbabahagi ng aktres.

Sarah willing na sana sa kissing scene

Sa October 23 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Unforgettable na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo. Kasama rin ng Popstar Royalty sa naturang proyekto ang asong si Milo. Ayon kay Sarah ay hindi naman siya nahirapan sa mga eksenang ginawa na kasama ang isang aso. “Hindi po ako nahirapan. Willing nga po akong mag-kissing scene, kami ni Milo kaya lang strict yata si Kuya Tristan, ‘yung parent niya. So hindi natuloy. Surprisingly, hindi rin siya nagkaroon ng tantrums sa set. Very professio­nal po siya na dog actor,” natatawang pahayag ni Sarah.

Nagbigay ng reaksyon ang dalaga sa mga papuring nakuha mula sa kasamahan din sa pelikula na si Ara Mina. Nabanggit ni Ara sa isang pahayag kamakailan na sobrang professional at hindi diva si Sarah pagdating sa trabaho. “Wala po naman kasing rason talaga na magpa-diva. Actually, kahit sino naman, wala namang rason mag-diva-diva-han. Meron ka lang rason halimbawa may bagay na hindi ka kumportableng gawin. You just have to be honest, to be open about it. Hindi naman pagdi-diva ‘yon eh. You just have to be honest all the time. Meron laging polite na way of speaking out, di ba po?” giit ng singer-actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with