^

PSN Showbiz

Sharon gustong ipa-freeze ang eggs ni KC para magkaapo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sharon gustong ipa-freeze ang eggs ni KC para magkaapo!

Ang laki nga nang ipinayat ni Sharon Cuneta nang humarap siya sa press kahapon para sa Iconic concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Colisuem sa October 18 at 19.

May sakit siya kahapon, na ganun daw talaga ang nangyayari sa kanya tuwing nagku-concert siya.

Pero itong sa kanila ni Regine ay talagang kinakarir daw niya dahil matagal niya itong hinihintay.

Kinumusta namin kay Sharon ang huling pagbisita niya sa anak niyang si Frankie na nag-aaral sa Amerika.“I’m thankful to God na with Frankie, Miel and Miguel may panahon ako. Kasi with KC she got the best of my youth pero at the same time, I have to keep working for her future.

“I have to be an example to her na in the sense na we don’t really need a man para mabuhay. So, KC knows how to work, nakapag-ipon, nakinig sa advise. So, nakapag-invest ng tama. I’m so proud of her,” pakli niya nang tinanong ko kung ano ang napagtanto niya sa pagbisita niyang iyun.

Ang hiling na lang daw niya ngayon para kay KC ay maging maligaya siya at sana mabigyan na raw siya ng apo.

“Happiness. Whether alone or with someone. Basta, wish ko para sa sarili ko, huwag niya akong i-deprive ng apo. Kahit kailangan i-freeze niya yung eggs niya at kumuha na lang kami ng donation na at i-combine, okay na sa akin yun. Basta may apo ako,” natatawa niyang pahayag.

KZ nagka-problema sa promoter

Ipinost ni KZ Tandingan sa kanyang Instagram account nung September 27 ang announcement ng Cornerstone Entertainment, Inc. na hindi na nila tatapusin ang kanyang KZ Supreme World Tour nung bandang last week of September : “Cornerstone Entertainment, Inc. (Cornerstone), regretfully informs the public that it will no longer push through with KZ Tandingan’s U.S. shows in San Jose on September 27, 2019, Huston, Texas on September 28, 2019 and Stockton on September 29, 2019, due to the promoter’s (JRC)-failure to comply with its obligations, protocol and show requirements in connection with the said U.S. tour shows.”

Ang narinig pa naming kuwento, dapat ay kasama pa raw nito si Gloc-9 pero hindi na siya tumuloy ng Amerika pagkatapos niyang mag-perform sa Canada.

Mabuti at may presscon si KZ kahapon para sa pelikula niyang The Art of Ligaw kasama si Epy Quizon kaya nilinaw namin sa kanya ang isyung ito.

 “Nagkaroon lang po kasi ng problema with the promoter. The management decided na hindi na lang dapat ituloy kasi may mga requirement from the contract na hindi napu-fulfill.

“It wasn’t just okay to push through with it kahit na sobrang gusto ko na ituloy kasi I’ve always dreamed of doing a tour and the Supreme concert is a show that we worked real­ly hard on. Sobra po naming pinaghandaan yun, inareglo lahat ng songs. So, even if I wanted to push through with the tour. Tatlo lang po talaga ang kinaya ko. Pero okay na po ako.

“I was heartbroken. Everything happens for a reasons po, for now gusto ko na po mag-focus sa Art of Ligaw,” malungkot na pahayag ni KZ.

Ramdam naming hindi siya kumportableng pag-usapan ito pero kinlaro na rin niyang kahit nagkaroon ng ganung problema, itinuloy pa rin daw niya ang ilang show.

Sa patuloy na pagtatanong namin sa kanya, hindi na napigilan na maiyak dahil sa sobrang disappointment dahil matagal daw nila itong pinaghandaan.

Napaluha na siya nang magbigay ito ng mensahe sa ating mga kababayan sa Amerika na naghintay sa kanya roon.

 “Basta maraming salamat po sa mga bumili ng tickets, sa mga hindi po namin napuntahan, sa Stockton, sa San Jose, sa Houston.

“Given the different opportunity in the future, we will be there. Kung alam nyo lang po, grabe din yung pinagdaanan namin,” naluluha na niyang pahayag.

Napangiti na lang si KZ nang napag-usapan itong first movie niya na hindi raw niya alam kung bakit siya ang napili.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with