^

PSN Showbiz

Gretchen mas piniling dumalo sa opening ng sabungan kesa alagaan ang Ama sa ICU?

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen mas piniling dumalo sa opening ng sabungan kesa alagaan ang Ama sa ICU?

MANILA, Philippines — Nasa ICU pala ang ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto na si Mr. Miguel Barretto.

Meron diumano itong chronic obstructive pulmonary disease/emphysema.

Kaya naman si Claudine naputol daw ang pagpapa-detox sa Thailand para masamahan ang amang may sakit at ina sa pag-aalaga / pagbabantay sa hospital.

Ito ang isa kahapon sa pinag-usapan sa no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) na naka-34 episodes na.

Pero ayon sa source ng Take It... never pang dumalaw si Gretchen sa ama.

Mas pinili pa nga raw nitong dumalo sa blessing ng sabungan ng negos­yanteng si Atong Ang kasama ang partner niyang si Tony Boy Cojuangco last weekend kesa makipag-ayos sa amang may karamdaman.

Nakita rin diumano itong namamasyal sa isang mall at parang chill lang at walang inaalala.

Ang kinatataka nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, hindi ba raw talaga kayang patawarin ni Gretchen ang kasalanan ng kanyang mga magulang kung meron man? Gaano nga ba raw kalaki ang kasalan ng mga magulang niya para hindi niya mapatawad?

Parang nakakapagtaka na raw kung bakit ganun na lang kalaki ang galit nito. Na kahit wala kang pagmamahal at least man lang may respeto man lang siya ayon kina Nay Lolit and Nay Cristy.

Feeling nila nadala na ito sa kayamanan nito sa kasalukuyan.

Pinaalala pa nila ang nakalagay sa Bible na “Honor your father and your mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you” (Exodus 20:12).”

Last year nang mag-IG post si Gretchen kung saan sinabi niyang “Cutting people out of my life doesn’t mean I hate them. It means I respect myself,” though walang direktang pinatutungkulan ang kanyang post.

So magkakaayos pa kaya sila?

Sina Gretchen at Claudine ay maayos na ang relasyon pero sina Gretchen at Marjorie ay hindi pa nagkakabati.

Fresh pa ang pagkampi ni Gretchen kay Bea Alonzo sa ‘ghosting’ diumano ni Gerald Anderson and Julia Barretto.

Isa pang mainit na pinag-usapan sa Take It... kahapon ay ang baong blind item ni Mr. Fu. Nadiskubre ng friend niya na niregaluhan ni sikat na actor ng isang barber shop ang kanyang boylet na gym instructor.

Ayon sa kanyang source, kabilin-bilinan ni actor, bawal na bawal i-upload sa social media ang nasabing barber shop at walang mention na sa kanya (actor) nanggaling ang bagong bukas na negosyo.

Kaso matinik ang source ni Mr. Fu nakunan ng picture at nabuko ang nasabing barber shop ni gym instructor.

Pero ang pinaka-catch, karibal daw ni sikat na actor sa nasabing gym instructor ang isa pang actor na dating kaibigan niya.

Samantala, kuwento naman ni Nay Cristy, hinahanap ng mga kamag-anak ng namayapang beteranang actress na si Amalia Fuentes ang 5 karats nitong suot na singsing nang ma-stroke sa South Korea habang nagbabakasyon two years ago.

Ayon sa source ni Nay Cristy, 5 karats daw ang bato ng nasabing singsing kaya milyones ang halaga.

Marami rin daw naiwang pamana ang original movie queen na naihatid na sa huling hantungan kahapon na tiyak na napunta sa mga apong anak ng nag-iisang anak niyang si Liezl na nauna nang namayapa.

Si Liezl ang asawa ni Albert Martinez at meron silang tatlong anak na sina Alfonso (na nag-alaga sa kanyang Lola Amalia), Alissa and Alynna. 

Marami pang pinag-usapan sa TIPMMG kahapon na in all fairness ay  talagang tinutukan ng mga kababayan nating OFW lalo na sa Amerika.

Gabi doon so talagang nagpupuyat sila sa paghihintay.

Meron pang nanonood na galing sa Switzerland, at kung saan-saan pang bansa na laging sinasabi na natatanggal ang lahat ng homesickness nila sa panonood ng programa nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu.

Kaya sa mga hindi pa nakakapanood, maki-#TeamReply na sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON.

Ayon nga pala sa analytic ng FB mas marami ang nanood na kalalakihan ng TIPMMG episode 34 kahapon - 56.7% men at 43.3% women.

Yes you read it right.

So mas mahilig na kaya sa tsika ang kalalakihan?

Hahaha.

vuukle comment

MIGUEL BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with