^

PSN Showbiz

Pinagselosan ang young actor sa GF na actress aktor na sikat nag-amok nang malasing sa isang malaking event!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May naganap palang hindi kagandahang eksena kamakailan lang sa isang malaking pagtitipon ng mga artista ng isang malaking network. Pinatay agad ang kuwento pero umalingasaw pa rin.

Pagkatapos ng pabolosong pagrampa ng mga personalidad ay sumunod agad ang isang masa­yang party. Lahat sila ay masasaya, inangkin nila ang buong gabi, pero isang eksena ang naganap na ikinawindang ng mga nandu’n.

Isang sikat na male personality ang nala­sing, ibang klase palang makainom ang lalaking personalidad, nagiging war freak siya.

Kuwento ng isang source, “Nagkagulatan na lang ang mga nandu’n nu’ng biglang sinugod ng male personality na lasing ang isang young actor. Mabait ang batang ‘yun, walang kayabang-yabang, maraming may gusto sa ugali niya.

“Siya mismo, e, nagulat nu’ng lapitan siya ng lasing na male personality at pinetsarahan siya at itulak! Gulantang ang young male personality dahil wala naman siyang ginagawang mali at never niyang nakaengkuwentro ang nakainom na male personality para saktan siya!

“Nakakagulat ang dahilan kung bakit, ang girl palang kasayaw ng bagets ang dahilan, nagselos sa kanya ang lasing na bida ng isang sikat na serye!

“Pero teka naman muna. Bakit siya pinagselosan, may relasyon ba ang lasing na male personality at ang magandang girl na kasayaw niya?

“Wala siyang kaalam-alam, nagsasayaw lang naman sila ng girl na ka-network niya, pero meron na pala siyang nasasagasaan sa pakikipagsayaw niya!” kuwento ng aming impormante.

Magkapareha sa isang sikat na serye ang lasing na aktor at ang magandang female personality na kasayaw ng bagets actor. Marami nang nagdududang may relasyon sila pero pareho nilang sinasabi na magkaibigan lang daw sila.

Kambiyo ng aming source, “Kung totoo ngang magkaibigan lang sila, e, bakit nagkaganu’n ang male personality? Bakit siya nagselos? E, wala namang plano ang young actor na ligawan ang kasayaw niya?

“Saka may karelasyon ang lasing na male personality, di ba? Kontrobersiyal nga ang relasyon nila! Sino naman ang mag-iisip na pagseselosan pala ng male perso­nality ang bagets, samantalang nagsayaw lang naman sila?

“Mabuti na lang at mabait at marespeto ang bagets actor, dahil kung hindi, makakakita ng katapat ang lasing na male personality na ‘yun!

“Sabi nga ng mga miron, e, wala raw katakut-takot ang lasing na male personality, kasi nga, e, hindi siya mamatay-matay sa serye niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Carlo inamin ang pagpapaasa kay Angelica

Malaki ang dagdag na kilig ng piyesang Buwan ni JK Labajo sa pelikulang pinagtatambalan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Nu’ng una ay parang walang dating ang kanilang tambalan, pero nang magpasilip na ang produksiyon ng teaser ng Isa Pa With Feelings ay naging paksa sila sa mga umpukan, mukhang may magic nga ang tambalang CarMaine.

Magaling na aktor si Carlo Aquino, isa siya sa mga artistang guma­gamit ng mga mata lang sa pag-arte, aminado naman si Maine na matagal na nitong crush ang simpleng aktor.

Role ng isang deaf and mute ang ginagampanan ni Carlo sa pelikula, mas mahirap daw ang role ni Maine ayon kay Carlo, dahil puro senyas lang ang ginagawa niya para magtawid ng mensahe sa dalaga.

Maligaya si Maine sa piling ni Arjo Atayde, girlfriend naman ni Carlo ang non-showbiz na si Trina Candaza, buong sinserong inamin ni Carlo na ito ang dahilan kung bakit naudlot ang pagbabalikan sana nila ni Angelica Panganiban.

Maginoo si Carlo Aquino, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga naging pahayag nu’n ni Angelica kontra sa kanya, sa kanyang opinyon ay ‘yun ang naging emos­yon ng aktres na kailangan niyang respetuhin.

Mula nu’n hanggang ngayon ay nananatling marespeto si Carlo, tahimik lang siya, pero kapag nagsalita naman ay diretsong-diretso at sinsero sa kanyang mga pahayag.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with