^

PSN Showbiz

Andrea sarili ang isang floor sa pinatatayong bahay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Andrea sarili ang isang floor sa pinatatayong bahay

Ibinahagi na ng 16-year-old Kapamilya young star na si Andrea Brillantes sa kanyang sari­ling YouTube channel ang ongoing construction ng kanyang ipinatatayong three-storey house kung saan ang buong third floor ay magiging kuwarto niya habang ang kanyang mom at mga kapatid ay nasa second floor. Magkakaroon din ito ng pool.

In her nine years sa showbiz ay nakapag-ipon na rin si Andrea sa tulong ng kanyang mom.

Si Andrea ay produkto rin ng now-defunct kiddie gag show na Goin’ Bulilit kung saan siya nagsimula in 2010 hanggang 2013.  Magmula noon ay hindi na siya nawawalan ng teleserye na ang pinaka-latest ay ang hit afternoon TV series na Kadenang Ginto na pinagsasamahan nila ni Francine Diaz maging nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana.

Si Andrea ay kasama rin sa pang-Metro Manila Film Festival movie nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Si Andrea ay ipinapareha ngayon sa ex-PBB teen housemate na si Seth Fedelin bilang ka-loveteam.

Sarah naghahanap ng saktong material para sa kanila ni Daniel

Tulad ng tambalan nina Anne Curtis at Marco Gumabao sa hit movie na Just A Stranger under Viva Films na may nine years age gap, gusto ng Popstar at Unforgettable star na si Sarah Geronimo na if ever man matuloy ba­lang araw ang first movie team-up nila ni Daniel Padilla, kailangan umanong perfect ang material para sa kanilang dalawa at ayaw niya itong maging pilit.

Nakita ang kakaibang chemistry nina Sarah at Daniel nang maging isa sa mga special guests ni Sarah ang original  Teen King sa kanyang ika-15th anniversary concert, ang This 15 Me na ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum) nung April 14, 2018.

Parehong gusto nina Sarah at Da­niel na magkasama sa movie at posibleng mag-joint venture ang Star Cine­ma at Viva Films sa proyektong ito na ngayon pa lamang ay inaabangan na ng kanilang mga supporters.

Walang leading man si Sarah sa bago niyang movie dahil ang asong si Milo (Happy sa pelikula) ang kanyang katambal. 

Maine pinaiyak ng kapatid

As promised and as expected, nangyari nga ang guestings ni Maine Mendoza sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network dahil sa movie nila ni Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings na dinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Productions and APT Entertainment na showing na ngayong October 16.

Nakapag-guest na si Maine sa Myx Music Channel kung saan niya inabutan ang isa sa mga resident VJ na si Robi Domingo. Magkasama silang nag-guest ni Carlo sa DZMM program nina Peter Musngi at Pat-P Daza at kahapon, Martes ng umaga ay magkasamang nag-guest sina Maine at Carlo sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Naging guest din sila sa Tonight with Boy Abunda nung isang gabi rin.

Hindi inaasahan ni Maine na sosorpresahin siya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Coleen Mendoza na siyang nagpaiyak sa original Dubsmash Queen at phenomenal star sa Magandang Buhay.

Ayon kay Maine, mahigit isang buwan na umano silang hindi nagkikita ng sister niyang si Coleen dahil sa pagiging busy niya sa trabaho kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ni Maine nang mag-surprise appearance ito sa programa nina Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros.

 Si Coleen ang nagpatotoo na sobra umanong mahiyain si Maine kaya sila man ng kanilang pamilya ay na­bigla nang pasukin nito ang showbiz.

Sa mga kapatid ni Maine, mas madalas umano siyang magsabi kay Coleen sa kanyang nararamdaman dahil silang dalawa umano ang pinaka-close.

Ngayong October 16 ay huhusgahan na ng mga manonood ang unang tambalan nina Maine at Carlo, ang Isa Pa with Feelings na dream come true para kay Maine dahil isa umano si Carlo sa mga hinahangaan niyang actor.

Direk Joel hoping na makasama sa MMFF 2019

Although sa October 16, 2019 pa ang announcement sa remaining four na makakapasok at kukumpleto sa Magic  8  bilang official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival na magsisimula on December 25, 2019, may trailer na ang MMFF hopeful na Isa Pang Bahaghari na muling pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment, the same film company na nag-produce ng award-winning 2018 MMFF movie na Rainbow’s Sunset na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero na dinirek din ni Direk Joel.

Ang Isa Pang Bahaghari ay tinatampukan nina Nora Aunor, Phillip Salvador, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez at Joseph Marco.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with