^

PSN Showbiz

Julie Anne, nakatanggap ng Silver Creator Award sa YouTube!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — As of this writing, umani na ng 176,000 subscribers ang official YouTube channel ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose! Ikinatuwa ito ng Kapuso star at sa kanyang photo sa Instagram, ipinakita niyang hawak-hawak na niya ang Silver Creator Award o tinatawag na Silver Play Button na indikasyon na lumagpas na ng 100,000 ang fans niya sa YouTube. 

Ayon kay Julie, “I know that this has been a long journey to achieve this milestone. But guys, I can’t thank you enough for the love and support. I know that I have been busy and inactive for quite some time. But, I’m still working on some stuff and I promise you that I will be uploading more vi­deos soon.”

Samantala, napapanood si Julie Anne bilang isa sa mga Clash Masters sa second season ng The Clash kasama si Rayver Cruz tuwing Sabado at Linggo sa GMA.

Paolo Contis, may sorpresa bilang ‘Plantsaman’  

Wala talagang kupas ang mga nakakatawang paandar ng longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang. Walang duda na kahit 24 years na silang umeere, patok pa rin sa manonood ang mga gags, segments at sketches nila.

Kamakailan lang, una nang pinasilip ng multi-awarded comedian na si Michael V. ang magiging karakter niya sa upcoming anniversary bilang si Allan Peter Kuya Thanos! At sumunod naman na nagpasilip ng kanyang magiging karakter ay ang Kapuso star na si Paolo Contis. Sa photo na ipinost ng aktor sa Instagram ay ipinakilala ni Paolo ang kanyang role na gagampanan, “Ano man iyong gusot sa buhay, paplantsahin ko yan! Ako si Tonio! Or you can just call me PLANTSAMAN..!! Soon! #BubbleGangYear24.” Suot ang tila ‘superhero’ suit, inaabangan na ng mga avid viewers ng programa ang mga magiging paandar at surprises ng buong barkada.  

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with